Nasaan na ang mga KOMIKS?

aliwan856thumbnail.jpg

Maalala ko pa nung kabataan ko,araw-araw inaabangan ko.
mga paboritong istorya at kwento
na sinusundan linggo-linggo.

Inaabangan, pinag-aagawan
binibili man o nirerentahan
Hiwaga, Aliwan, Wakasan.
Mga komiks ngayon ay nasaan.

Magpatuloy sa pagbasa

Inaanak kong makulit

kath2

KATH

Nakilala ko to nung December lang at accidental pa. Ang bilis naming naging magkalapit, pakiramdam ko kindred spirit ko ang batang ito kahit lagi akong niloloko tungkol sa edad at marami pang iba.

I wish her all the happiness and contentment she deserves.

Not long enough…

Two days ago I received an SMS joke. It goes something like this (dinagdagan ko ng konti tutal di naman ‘to text):

A muscular guy was with his gf, gumagawa sya ng kanyang Yahoo ID habang nakatingin ang gf nya sa kanya. So nag type sya sa online form ng Yahoo at syempre dahil katabi si Bhebhe nya pabilib naman si pogi:

*First Name: Big Dick

*Family Name: Hunk

*Preferred Content: US (syempre masarap maging Kano)

*Gender: MALE (kung pwede pa lang i-type ang SUPER MALE yun sana nilagay nya)

* Yahoo ID: BIG_DICK.HUNK

* Password: *****

* Retype Password: *****

….. and so on and so forth hanggang nakumpleto ang form. Sabay click si pogi ng SUBMIT. Paktay!!! Huh nag-error… galit na galit si Mr. Hunk sinapak ang monitor… sinipa ang CPU at binali ang keyboad…

Magpatuloy sa pagbasa

Request for Assistant… Help Pareng Defpotec please

Dear Prof. Defpotec,

Ayaw ko sanang sumulat sa iyo pero kahiyaan na talaga… hirap na hirap na ako. Meron akong konting problema na nadiskubre kong nasa iyong expertise…

Propesor Dep ito po ang back ground ng problema ko… wag nyo pong ipagkalat kasi po nakakahiya ang nature nito… matagal na akong hirap lumakad dahil may kalyo ako sa paa. Tiniis ko ng matagal pero di ko kinaya kaya ako ay nagdecide na maghanap ng lunas sa internet shopping. Nakita ko po itong site at mukhang makakatulong ang produkto nila sa akin. Problema nga lang po, may pagka technical ata ang pagkasulat kaya hirap akong intindihin. Alam ko po busy ikaw pero magpakapal na lang ako ng mukha at humingi ng tulong sa inyo sa baba po ang produkto at ang mga instructions…

Magpatuloy sa pagbasa

MALAKAS KA BA HUMILIK…. ITO ANG KAILANGAN MO

Kung ikaw ay parang bapor kung humilik sa gabi na kahit ikaw mismo ay napupuyat sa lakas ng iyong hilik sampu ng iyong mga kaanak, kasama sa bahay at mga kapitbahay…. tapos na ang iyong paghihirap… naimbento na ang

SNORE STOPPER

snore-stopper.jpg

Magpatuloy sa pagbasa

MASARAP HUMINGA… SAGOT SA SONA NI GLORIA

Performed by Crazy as Pinoy with Akbayan’s community in Tatalon… pakinggan ang mensahe ng mga bata…

SONA – State of the Nation Address (daw)

gma-sona07.jpg

Airport dito project ito ni Mayor kuwan, highway doon sa probinsya ni Gobernor kuwan, airport ulit dito sa lungsod ni Congressman sino itetch, kalsada naman sa bayan ni Mayor ano…. ang konsepto ng SONA ni Arroyo ay listahan ng mga proyekto at mga opisyal na bagong halal… PALAKPAKAN!!!!

Ang SONA kahapon ay litanya ng mga proyekto… di yata nakayanan banggitin lahat noong nakaraang taon at tinuloy ang litanya kahapon. Ang una kong reaksyon kahapon ay parang deja vu , parang narinig ko na dati. Naalala ko ganun din ang speech nya nung nakaraang taon. Hay walang pinagbago…

Para sa akin ang mahalaga sa SONA kahapon ay ang mga mensaheng between the lines… airport dito, highway doon, megadike riyan, airpirt din jan… pagkakakitaan natin yan. Sa haba-haba ng litanya simple lang ang mensahe… pagkakakitaan natin yan.

Kung hindi lang nakakairita nakakatawa actually ang ibang mensahe nya… gusto pa yata agawin ang korona sa pagka PLASTIK Queen…

” The business services sector has become the fastest growing in the economy providing 400,000 jobs compared to 8,000 in 2000. By 2010 the forecast is one million jobs earning $12 billion, the same amount remitted by our overseas Filipinos today.”

Ano daw? Sa loob ng 3 taon makapagcreate sya ng trabaho at lalampasan ng kita nito ang remittances ng ating mga OFWs? Saan mo naman pinulot ‘to Madam?

“In the International Math and Science Olympiad 2006 in Jakarta, Robert Buendia of Cavite Central School and Wilson Alba of San Beda Alabang won the gold. Congratulations, guys. Six Filipinos bagged the awards at the Intel Young Scientists Competition in New Mexico last May: Ivy Ventura, Mara Villaverde, Hester Mana Umayam and Janine Santiago of Philippine Science High; Melvin Barroa of Capiz National High, congratulations, Melvin; and Luigi John Suarez of Benedicto National High. Congratulations naman. Last week Filipino students topbilled by Amiel Sy of the Philippine Science High dominated the Mathematics World Contest in Hong Kong. Congratulations, Amiel. Congratulations Philippine Science High School. Earlier this month Diona Aquino of the Presidential Management Staff won with her team from UP the Youth Innovation Competition on Global Governance in Shanghai.”

Oo, magagaling ang mga batang yan… pero ano naman ang kinalaman mo sa mga achievements nila?

“Sa unang pagkakataon, gumastos ang Philhealth ng higit P3 bilyon sa paospital ng maralita.”

Ano naman nakakatuwa jan? Di ba patunay lang yan ng maraming nagkasakit sa mga maralita at kinailangang gumastos ng ganyan kalaki? Di ba yung Philhealth ang inalipusta mo nung mamigay ka ng sangkatutak na Philhealth cards sa iyong kampanya nung 2004?

Itong mga sumusunod naman ang palatandaan ng kafal ng fez ng aleng ito… read on…

“Dapat maging daan sa tagumpay sa agribusiness ang reporma sa lupa. Done right, reform will democratize success, as Ramon Magsaysay and Diosdado Macapagal envisioned. We must reform agrarian reform so it can transform beneficiaries into agribusinessmen and other agribusiness women.”

Ibig ba sabihin nito Madam icocover na ng agrarian reform ang mga hacienda ng Arroyo sa Negros? Titigil na ba si Iggy Arroyosampu ng mga barkada nyang mga landlords sa pananakot at pagpapatay ng mga magsasaka? o ibig nyo bang sabihin eh hihikayatin na lang natin ang mga magsasaka na magnegosyo para wag na kumuha sa mga lupa nyo? Kung ganun ano ang ibebenta nila? Kalyo ng pagka-alipin kaya?

“I ask Congress…I urge you to enact laws to transform state response to political violence: First, laws to protect witnesses from lawbreakers and law enforcers. Second, laws to guarantee swift justice from more empowered special courts. Third, laws to impose harsher penalties for political killings. Fourth, laws reserving the harshest penalties for the rogue elements in the uniformed services who betray public trust and bring shame to the greater number of their colleagues who are patriotic. We must wipe this stain from our democratic record.”

Di ba alam naman ng buong mundo na pakana mo ang mga extra-judicial killings? Anong palagay mo sa buong mundo tanga na maniniwalang wala kang kinalaman porke’t sasabihin mong paparuhasan ang mga responsable? Di ba pinuri mo pa si Palparan nung SONA nung nakaraang taon?

“We can disagree on political goals but never on the conduct of democratic elections. I ask Congress to fund poll watchdogs. And to enact a stronger law against election-related violence. “

At sino naman ang mamumuno sa poll watchdogs na yan sina Garci at Bedol? Sino naman ang maniniwalang totoong watchdog yan kung pinopondohan ng gobyerno? Kung COMELEC nga eh di mapagkatiwalaan.. hay lord.

“We must weed out corruption and build a strong system of justice that the people can trust. We have provided unprecedented billions for anti-graft efforts. Thus the Ombudsman’s conviction rate hit 77% this year, from 6% in 2002. We implemented lifestyle checks, dormant for half a century. Taun-taon dose-dosenang opisyal ang nasususpinde, napapatalsik o kinakasuhan dahil labis-labis sa suweldo ang gastos at ari-arian nila.”

Ang galing-galing!!!! PALAKAPAKAN!!!! Kung totoong nasipa na ang mga corrupt bakit nasa Malakanyang ka pa? Weeeee…. lokohin mo lelong mo.

“We were able to strengthen our economy because of the fiscal reforms that we adopted at such great cost to me in public disapproval. But I would rather be right than popular.”

Yes, you are not popular, but, NO! you are neither right. You are notorious because you cheated your way to the Presidency. You are notorious because you and your family and your allies are very CORRUPT. Stop stealing from the PEOPLE’S COFFERS and you will not need to implement EVAT that crucify the poor. Stop stealing… only then can you claim to be not popular but right.

Sa lakas ng piso, bumagal ang pagtaas ng bilihin.

Engot! Sino niloloko mo? Parang tumaas ang halaga piso kasi bumaba ang halaga ng dolyar. Ekonomista ka, alam na alam mo na hindi porke’t tumaas ang piso laban sa dollars ay dahil lumakas ang ating ekonomiya. Humina ang ekonomiya ng US kaya tumaas ang halaga ng piso laban sa dolyar. Itanong mo sa ordinaryong mamamayan kung mas marami na ba ang nabibili ng kanyang pera.

Nakakabagot, nakakabobo nakaka-insulto sa Pilipino ang SONA mo… hindi naman sinigang ang ulam ko kagabi pero nangasim tiyan ko sayo…. palakpakan mgabinayran.. BOW!

Itatawid… Ihahatid Kita

Kahit ano pa mang sasabihin ni Ate Glo mamaya sa SONA, ramdam ng karamihan ang kahirapan… heto ang isang kantang may kabuluhan sinulat ni Gary Granada at kinanta kasama sina Noel Cabangon, Bayang Barrios at Cookie Chua… para sa lahat ng mga di makaka-identify sa SONA ni Gloria mamaya… heto ang isang kanta:

SHE….

Tomorrow, when the 14th Congress will begin its sessions, a woman will be there among the multitude of solons.

She is a widow and a mother of four wonderful children.

She may just be a face among plenty, a single voice among the many… but she will be set apart from the ordinary. A woman of principles and conviction, a veteran of the streets, a voice for the voiceless…

She will represent the voice of millions who are underprivileged, the down-trodden, the abused and those whom this government has forgotten and taken for granted.

She will, among others…

… fight for the rights and welfare of the ordinary workers — their right to organize, better wages and security of tenure

… push for the strengthening of the agrarian reform law and fight for the rights of poor farmers

… work for the legislation of laws that will provide cheaper medicines and better health care

… advocate for better and more affordable education for the young and the protection of their rights and welfare

She will represent our hopes, our vision of a better, more humane, more just, more peaceful Philippines.

She is…

Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, Party-List Akbayan…

AKBAYAN HYMN