SONA na naman…

mobJuly 23, 2007, unang araw ng pagbubukas ng kongreso. Maraming mangyayari bukas, pipili ang Senate at House of Representatives ng kani-kanilang mga leaders – ang Senate President at ang Speaker of the House. Sangkatutak na horse-trading na naman ang nangyayari. You scratch my back and I will scratch yours. Magkamutan na kayo hangga’t magkasugat-sugat kayo mga damuho. Sa mga negosasyon nilang yan, walang talo. Maliban na lamang sa mga taxpayers na Pilipino.

Ang pinaka-highlight bukas ay ang State of the Nation Address ni Gloria. Sa ordinaryong demokrasya, ang SONA ay ang pagkakataon na nilalahad ng Chief Executive ang kanyang pagbasa sa kalagayan ng bansa at ang kanyang mga panukala paano masasagot ang mga problema ng bayan at ano ang kanyang mga planong ipapatupad na hinihingan nya ng suporta mula sa legislature.

Subalit ang Pilipinas, sa kasamaang-palad, ay hindi ordinaryong demokrasya, lalo na sa panunungkulan ni Ate Glo. Gusto nya yata itong maging showbiz event at sangkatutak na gimik ang naiisip ng kanyang mga propagandista. Dati may paglulutang pa ng mga bangkang papel ng mga bata.

Ano ba ang natatandaan ko sa SONA ni Ate Glo? Ahhhh eto pala. Sabi ni Ate Glo umasenso na daw ang maraming poor na probinsya sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon. Katunayan daw nagbukas na ng branch ng Jollibee sa Basilan. Amffff!!!! Kelan ba nagsimulang naging economic indicator ang pagbukas ng Jollibee o kahit anuman sa mga food chains? Sabagay parang pinapakita nya na said na said na sya sa pruwebang umangat na ang ekonomiya ng bansa at kung anu-ano na lang ang kinakalos nyang indicators.

“Also in 2003, Sulu, Lanao del Sur, and Tawitawi registered double-digit declines in poverty incidence from the year 2000. Congratulations.

Kitang-kita ang pag-ibayo ng mga isla ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi. Nagbukas ang Jollibee sa Basilan. The Balikatan exercises with the United States, combined with the US GEM program and other donor-assisted projects, have no doubt contributed to this.” (excepts from 2006 GMA SONA)

Eto pa pala ang isa. Special metion nga ito eh. “Lumalaban para sa bayan si Heneral Jovito Palparan!!!!” (palakpakan ang mga sipsep, kaway ala beauty queen naman si Palparan). Amfffffff anader!!!! Kahit si Marcos na pinakamalupit na diktador ay di nagawang purihin ang mga berdugo ng kanyang administrasyon sa SONA. Para bang sinasabi nyang sige mga heneral, kapitan, mejor at corporal tuloy nyo lang ang pagsasalvage at mga pagpapatay.

“Sa ganitong mga proyekto, palalakasin natin ang ekonomiya ng mga barangay at lalawigan. And we will end the long oppression of barangays by rebel terrorists who kill without qualms, even their own. Sa mga lalawigang sakop ng 7th Division, nakikibaka sa kalaban si Jovito Palparan. Hindi siya aatras hanggang makawala sa gabi ng kilabot ang mga pamayanan at maka-ahon sa bukang-liwayway ng hustisya at kalayaan.

In the harshest possible terms I condemn political killings. We together stopped judicial executions with the abolition of the death penalty. We urge witnesses to come forward. Together we will stop extrajudicial executions.”(excepts from 2006 GMA SONA)

Ilang beses akong kamuntik na mahulog sa aking kinauupuang barikada sa Commonwealth. Para bang any moment sasabihin ni Gloria na “Lumalaban para sa matino at malinis na halalan… si Comm. Garci!!!! hello Garci.” Sabagay, on second thought, kayang kaya ni Gloria gawin yun kasi nagawa nga nyang ipangalan ang pinak-overpriced na highway in Philippine history sa alaala ng yumao nyang ama.

Ito daw ang pinaka-applauded na SONA in Philippine history. Binilang nga ng media ilang beses naputol ang speech para sa palakpakan (ng mga binayaran) nakalimutan ko lang kung ilan. Natural! punuin mo ba naman ng mga katropa mong sipsep ang session hall ng Congress.

Aabangan ko bukas ang mga sasabihin ni Ate Glo. Wala naman akong malaking expectations sa sasabihin nya sa SONA speech nya. Parang kanta ni Gary Granada… SONA ni Gloria, SONA ng tatay nya… hehehe parang may template na baga at wala nang bagong sasabihin. Alam naman ng mga tao ang totoong State of the Nation. Mas guminhawa ba ang buhay ng bawat isa? Mas gumaan ba ang ating mga problema bilang isang tao, bilang isang pamilya at bilang isang bansa?

Sabayan nyo naman akong abangan ang SONA bukas… sabay-sabay nating husgahan…

6 Tugon

  1. waah! may kaabang-abang na naman na comedy show bukas! SONA! SO ano NA ngayon? nyahaha!

    “nagbukas na ng Jollibee sa Basilan”… nyahaha! aylabdis!!!

  2. direct quote yun sa speech nya ha… di ko gawa-gawa yun. hehehe may plugging pa ng jollibee sa SONA di ba… yan ang presidente mo!!! =))

  3. ang hinihintay ko sa sona eh kung ilang palakpak at standing ovation ang makikita natin. masaya pag sona. wala kasi kaming pasok. isasara yung commonwealth kasi.

  4. hahaha.. naghanap ako ng article about the sona last year para malaman kung ilang palakpak ang nangyari… 50 times daw. most applauded sona nga daw eh mabreak kaya ang record ngayon?

  5. SANA NMN UMALIS NA YAN SI GLORIA………………..

  6. AW – inaalis na nga… kapit tuko ang lola hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: