Nasaan na ang mga KOMIKS?

aliwan856thumbnail.jpg

Maalala ko pa nung kabataan ko,araw-araw inaabangan ko.
mga paboritong istorya at kwento
na sinusundan linggo-linggo.

Inaabangan, pinag-aagawan
binibili man o nirerentahan
Hiwaga, Aliwan, Wakasan.
Mga komiks ngayon ay nasaan.

wakasan657.jpg

Ilan ba sa atin ang natutong mag-Tagalog
sa pagbabasa ng pahina ng komiks na lasug-lasog?
Ilan ba sa ating ang dati’y di nakakatulog
kung di nakakabasa ng komiks na talo pa ang iniirog

Kilala pa kaya ng mga bata
Ang mga komiks na maraming kabanata?
Magugustuhan ba din kaya nila
Maga paboritong kwento nung ako ay bata.

komiks.jpg

Masisiyahan kaya sila kay Zuma at Galema
o kaya’y kina Ping at Pong sila ba ay tatawa
Sa komiks ko din unang nakilala
ang seksing babaeng lumilipad na si Darna.

Sila ngayon ay sa internet na abala,
sa mga video games at kung anu-ano pa.
Sa mga tulad kong may edad na
paminsan-minsan sa komiks nangungulila.

(sa pagsusulat ko nito nadiskubre ko ang KOMIKLOPEDIA sa wordpress)

10 Tugon

  1. ninong kz ngaun pocketbooks n uso:p>>>>umamin k din n matanda k n;))love you ninong….hehehe

  2. ako, culture crash fan talaga! nakakalungkot lang… wala na sila.
    sana bumalik na sila… ulit..

  3. na miss ko yung TIKTIK komiks…

  4. ayayay! komiks ang unang addiction ko nung bata pa ako.

    pero impernes, sa komiks nahasa ang tagalog ko. yung mga fil-am nga na artista sa ngayon inire-recommend ang mga tagalog komiks para matuto ng husto sa tagalog.

    nakaka miss ang mga komiks.😀

  5. KATHERINE – hehehe ganun ba? iba pa ring yun, walang drawing eh at wala kang inaabangan weekly. iba talaga ang magic ng komiks. kahit papagalitan na ng mga magulang ay patago pa ring magbabasa at minsan nga tinatago sa loob ng panty…

    RAYMUND – oo nga eh parang part na yun ng kultura natin. in fact marami sa mga magagandang movies ay galing sa mga nobela sa komiks… kakalungkot at nakakamiss

    RED – hehehe wala naman atang ITUTULOY sa TIKTIK eh.. lahat ng kwento dun WASAKAN… este WAKASAN.

    LANGGA MARU: oo nga dun din nahasa ang Tagalog dahil kahit nagkakadusingot ay basa pa din. Kung ikaw pagod ako pagod pod. muah!

  6. @raymond – kung sabagay, hindi natin maibabalik ang nakaraan.. masyado ng malaki ang lamat ng mundo para maiayos ang mga bagay-bagay. pero bilib ako sa mga artists natin… kahit halos walang kinikita eh talagang dedicated sila sa trabaho nila. tama po ba?

  7. natuwa naman ako at meron ka palang pics ng mga lumang komiks. bumalik ang ala ala ng aking kabataan. ngayon ko lang nadalaw… kung di pa nabanggit ni maru…

  8. mali yung web add ko.. paki edit nalang… sorry.

  9. hahaha pareng tolits natuwa nga akong accidentally nadicover ko yung blog ng komiklopedia sa wordpress eh. may mga online komiks pa rin sila doon at maraming kung anik anik tungkol sa komiks. buti nga di nagboblog nanay ko eh baka habulin na naman ako ng walis tingting pag nakita itong mga komiks…

  10. madami pa ko ditong komiks “Darna” 1 to 40 ewan ko kung nasan na ung iba…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: