DROUGHT: Some Survival Tips

Nakupo!!! tampok na tampok sa balita ngayon ang mahabang dry spell at nagdeklara ang pamahalaan ng state of calamity. Inuudyok ng gobyerno ang mga madlang fifol na magtipid ng kuryente at tubig para daw makatulong sa kapwa. Puspusan din ang kanilang research tungkol sa mga alternatives kuno para sources of energy dahil ang sa tubig. Puspusan din ang cloud seeding ng gobyerno para di daw maapektuhan ang ating agrikultura (totoo ba talagang tumutubo ang ulan sa ulap kapag nilagyan ng seeds?).

Bakit ba lagi na lang natataranta kapag ang kalamidad ay naka-amba na? Di ba wala naman silang pakialam sa tubig kapag nagmimigay sila ng logging permits na nagkalbo sa ating mga kagubatan? Di ba nila iniisip na masisira ang ating mga water tables sa pinapangalandakan nilang mga mining operations na sinabi ng gobyernong magbibigay sa atin ng maalwan na ekonomiya?

Hay lord ngayong nagkaka-krisis sa tubig… lahat daw tayo dapat makisama. Dahil nariyan na yan eto ang konting mga tips sa pagtipid ng tubig… ang iba pwede rin magcontribute sa pamamagitan ng pagcomment:

For ordinary and Poor Fifol:

Save water on your toothbrush. Pers of all, kung dati ay 3 beses ikaw nagtututbras sa isang – pwes ngayon gawin mo na lang 1 or 2. Matuto kang magtutpik. Yung mga nagtutubras ng 1 a day or less (read: madalang na madalang) be proud and happy ngayon you are doing it for a cause. Now you can smile without shame albeit with pride.

Save more water on your shower. Well, una, baka magandang ugaliin natin ang pagligo sa ulan. di ba nung bata tayo parang piyesta kung umuulan at tayo ay masayang-masaya na nagtatampisaw sa buhos ng ulan. ‘Ika nga ni Joey Ayala, “bawat patak ng ulan sa siyudad ay patak ng payapa sa bubong ng isipan.” Naks di ba poetic. So ugaliin ang pagligo sa ulan at tanging ulan lamang. Agree?

Pero, teka, di ba nga ang problema ay di umuulan. Hehehe. Well… pwede namang tumawad ang mga maseselan. Save water by washing only the bare essentials at matutong gumamit ng bimpo o goodmorning towel. O di kaya, kung ikaw ay masipag-sipag, maligo na ka rin habang naghuhugas ng pinggan. Or sa mga naglalambingan, dalasan ang pagligo ng sabay (delikado ito baka lumala ang problema sa paglaki ng populasyon).

Save water on your laundry. Di ka na rin lang madalas maligo…. wag na munang madalas magbihis… tutal di naman yata mag-iiba ang iyong body odor. O kaya kung di maiwasang maglaba… sabayan mo na rin ng ligo at toothbrush tutal nabasa ka na ring lang.

Pero teka muna, bakit nga ba pinapatipid nila ng tubig ang mga ordinaryong mamamayan? Di ba sanay naman ang karamihan sa konting tubig? Di ba marami pang mga komunidad and wala pang tuloy tuloy na tubig o kaya’y umaasa pa sa mga delivery trucks? E di ba mas malaki pa yata ang konsumo ng tubig ng isang pamilyang may-kaya kaysa isang kapitbahayan ng mga ordinary fifol?Silang salat na sa tubig… bakit sila ang pinagtitipid (salat – kulang, hindipo yung napapapikit kasa sarap, salat ito na masaklap)?

For the rich fifol.

Save water on your toothbrush too. Same instructions as the poor people but in English this time around so you can comprehend verily (maintindihang mabuti). If you are formerly toothbrush 3x a day daily everyday, DON”T! Make yourself at home with 2 times or less. Anyway you have mouthwash, but don’t drink just sip.

Save more water on your shower. Same as above also. Make it your manners (ugaliin) to rainshower (and thunderstorms). Maybe you have no experience shower in the rain, perhaps its your first time – so be careful its so painful (baka magkasakit). But, as the same as the poor people, the main problem is the rain – there is none. So now you have a problem similar to them huh? Well, make use of your expensive education – use your tree of life (your coconut). Its easy for you. You can shower yourself in fame and fortune and you can swim in your money. Ain’t that fun huh?

Save water on your laundry. Hey guys, you’re filthy rich! Don’t laundry (unless your money needs laundering). Always wear new clothes everyday daily.

And because you are rich… you can do more…

Save water on your golf. Don’t golf. The golf course is more watery than any other course (______course of course). You needs lot of water to keep your greens green. If you want to keep your golf course green, don’t use water… use paint. Or if that is very messy for you, begin to try other sports especially waterless sports like billiards, chess, darts etc. If you want swimming, of course you can… but you consider that your bath ok? no more banlaw. Or banlaw with perfume or milk or soft drinks. Don’t sports that will make you perspire because remember… the objective is save water.

Save water on your pool. Your pool eats a lot of water. DON’T. If you want to keep your pool then by all means keep it but do not change the water. Make it your family affair to increase the biodiversity in your pool with the algae and the lilies and the moss (the plant kind okey not the mosquito kind very susceptible to dengge). Make swimming a family affair, with your dog and you family’s cars (to save water on carwash). If you can’t swim in a pool rich with biodiversity – then go take a swim in the Pasig River – there is no bio-diversity there (only janitor fish).

Remember the objective is to SAVE WATER.

5 Tugon

  1. […] Nakupo!!! tampok na tampok sa balita ngayon ang mahabang dry spell at nagdeklara ang pamahalaan ng state of calamity. Inuudyok ng gobyerno ang mga madlang fifol na magtipid ng kuryente at tubig para daw makatulong sa kapwa. Puspusan din ang kanilang… …more […]

  2. […] Nakupo!!! tampok na tampok sa balita ngayon ang mahabang dry spell at nagdeklara ang pamahalaan ng state of calamity. Inuudyok ng gobyerno ang mga madlang fifol na magtipid ng kuryente at tubig para daw makatulong sa kapwa. Puspusan din ang kanilang… …more […]

  3. tana. ilong ko dumudugo..

    tyan ko, butas na.. katatawa..

  4. pareng defpotec – you are in a state of calamity too

  5. […] media na magtipid sa tubig.. at ayon narin sa payo ng isang co-blogger na di ko makita ang post si selvo.. ugaliin magtipid ng tubig.. maari sa pamamagitan ng pagsipilyo ng 1 or 2 beses nalang sa isang […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: