Basilan…

Ang tanda ko na… I turned 39 last June at pakiramdam ko ay parang ang haba na ng buhay ko… maybe I’m well past the midpoint of my life (di naman ata kasi ako aabot ng 80). My father was from Zamboanga and my mother is from Basilan. They met, fell in love and wed in Basilan. Basilan is major part of my roots and plays a very significant part in my personal history.

Noong bata ako, pag narinig kong nababanggit ang Basilan – naiimagine ko ang farm ng Lolo at Lola ko, napapangiti akong naaalala ang maliit na batis kung saan buong araw halos kaming nakababad ng mga kapatid ko’t mga pinsan. Naiisip ko ang mga punong bayabas, lanzones, mangosteen at iba pang inaakyat namin upang mamitas ng mga bunga at kaining presko pa mula sa mga tangkay at sanga. Marami sa masasaya kong alaala lalo na ng aking kabataan ay nangyaro sa Basilan.

Subalit may iba din akong naaalala maliban sa mga masasayang alaalang yun. Naaalala ko ang mga baril na nagkalat sa halos lahat ng sulok ng bahay ng Lolo ko, mga taong kahawig ni Rambo sa dami ng baril at balang nakasabit sa katawan (mga CHDF dahil barangay captain ang lolo ko noon). Naaalala ko ang mga alingawngaw ng putukan sa malayo at naalala ko pang nagdedebate kami ng mga kapatid at pinsan ko kung anong klaseng baril o kanyon ang pinapaputok at batay sa lakas ng tunog, kung saan nangyayari ang bakbakan. Naaalala ko na panghimagas namin pagkatapos kumain ang mga kwentong giyera o “war stories” ng mga tiyo at ng mga CHDF na tauhan ng lolo ko – mga kwentong engkwentro na akala ko ay sa pelikula lang nangyayari. Hobby namin ang pangkolekta ng basyo ng bala ng iba’t-ibang klase ng baril. Naaala ko pang ginigising kami paminsan-minsan sa gitna ng gabi para mag-evacuate dahil masyado nang malapit ang mga putok.

Bata pa ako ay naranasan ko nang magbitbit at magpaputok ng baril. Magpapastol lang kami ng kalabaw ay para kaming mga sundalong may kanya-kanyang bitbit na armas dahil sabi ng mga matatanda mahirap na may makasalubong kaming mga armado na wala kaming kalaban-laban. Kahit sa kubeta ay mayroon baril at bala na tinatakpan ng palanggana (sabi kasi ng tiyo ko kung sakaling bigla kaming nilusob at nasa kubeta sya,ayaw nyang mamatay habang nakaupo sa trono).

Mahigit 30 taon na ang nakaraan… ganun pa rin ang Basilan. Islang maganda, paraiso ng aking alaala, subalit puno ng putukan at patayan, lupang diniligan at patuloy na dinidiligan ng dugo ng mga rebelde, sundalo at mga sibilyan. Lupa ng sagana subalit nababalot ng kahirapan (sobrang hirap nga na pinagmayabang ni Gloria sa kanyang SONA ang pagbukas ng Jollibee sa Basilan noon 2004).

Ngayon, gaya ng nangyayari taon-taon, nagkakabakbakan na naman sa Basilan. Iniisip ko, ilang kayang mga bata ang nagbibilang ng putok o nagtatalo kung saan at anong baril ang pinapaputok ngayon sa Basilan. Ilang kayang mga batang nakikinigsa mga kwentong bakbakan ng mga matatanda pagkatapos kumain? Ilan kayang mga bata ang nagigising na lang sa gitna ng gabi upang tumakas sa init ng putukan? Ilang kayang mga bata ang tinatamaan ng mga bala at ilan ang nawawalan ng mga magulang, mga kaibigan sa gitna ng labanan? Ilang kayang mga bata ang nag-iisip ng paghihiganti pag kaya na nilang magbitbit ng baril at may sapat nang lakas na kalabitin ang gatilyo?

Magkakaroon pa kaya ng kapayapaan sa islang aking kinagisnan? Maibabalik pa ba ang masaya, masagana at mapayapang mukha ng mahal ko BASILAN….?

3 Tugon

  1. hi,to omar dansalan of isabella basilan city,the most youngest councilor of lantawan basilan province.
    your ex-wife
    faiza

  2. hi,can i ask?how to send picture to this content?

  3. //faiza// if you have a wordpress account you can upload an avatar to your account and it will appear beside your posts

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: