THE GROWING WPP COMMUNITY

When I started my blog in mid-July this year, it was a solitary quest to create a space for myself in the seemingly boundless universe of cyberspace. My idea of blogging was just a little over the zero-mark – start from scratch so to speak. My WordPress blog was put up with plenty of help from my long time chat idol and buddy, the gorgeous, sweet and imaginative MARU. I guess my ignorance had tested her patience to the hilt that finally she asked for my password to layout my blog herself. Siguro mas madali yun kesa sagutin ang mga tanong ko maya’t-maya.

As I learned the basics of blogging, I also began to widen my contacts among WP bloggers. My blogroll began to really roll. Paikot-ikot lang ako nun sa mga blogs, nagkiclick ng mga bloggers sa blogroll ng iba, comment dito, comment doon. Nakakolekta din ako ng ilang mga friends that way and when I posted the Malu Fernandez thingy, sila ang mga una kong nahawa sa pagkainis.

Kasabay ng pagputok ng Mahaderang Matapobre issue nabuo ang isang pagsasama ng bloggers sa WordPress na pinangunguhan ng artistahing si Chuckie Dreyfuss. Nagsimula yata sya sa pag-imbita sa mga bloggers na mga fans nya dati sa That’s Entertainment at yung mga fans nya nag-imbita rin ng mga fans nila hanggang sa kumalat at dumami. Nagtaka pa nga ako nung makita ko na lahat ng mga blogs ng mga kaibigan ko ay merong ganitong tatak:

pinoy-ako-sali-na-wordpress.jpg

Kasama ng kaopismeyt ko at kapwa Malu Fernandez luvah na si Taroogs – nakiuso ako at naki join na rin sa WordPress Pinoys. At yun na nga ang simula ng isang bagong adventure sa blogging. Mula sa pagiging isang google group ay nagkaroon ng WordPress Pinoys Forum dahil sa pangungulit ni Ka Ruben aka Azrael at bunga nga pagsusumikap ng teenage crush ng bayan na si Chuckie Dreyfuss.

Sa ngayon (as of press time naks :))), ang WordPress Pinoys ay mayroong 108 members at patuloy pa itong lumalaki bawat araw. Hindi ko na kilala ang karamihan (may memory gap na ang Lolo) pero eto po ang mga karanasan ko sa WPP (dobolyoupipi po ang basa nito at di wapepe).

Sa WPP ko nasaksihan ang namumuong love team nina Maru at ang kanyang Moo na si Defpotec. Ang kanilang paglalambingan ay tunay na matamis at nakakakilig pero di po dapat pamarisan. Nasaksihan ko rin ang koleksyon ng mga salungguhit ni Maru. Actually may sariling alitan na rin sina Azrael at Defpotec dahil sa isang babaeng nagngangalang Marie. Mahal kasi daw ni Defpotec itong si Maru Marie na inagaw ng DJ Robin na nagtatago sa pangalang Azrael.

Sa WPP ko rin po nasaksihan ang mga adventures at mis-adventures ni Jojitah, ang babaeng ubod ng tigang ganda. Si Jojitah po ang pinalad na biniyayaan ng lips na mala-Angelina Jolie, pwet na mala-JLo, boobs na mala-Boy Abunda at imahinasyon ni Marc Logan.

Masaksihan din sa WPP ang drama sa buhay OFW ni Papaya Banana na isang ring tigang mabait, gorgeous at sweet na Ilongga na nasa Abu Dhabi. Dito ko rin nakilala ang isang mainit ulirang ina na si Kengkay na sa Germany kasama ng kaulayaw nyang asawang German Shepherd.

Sa WPP din po ay makikita natin ang struggle ng buhay Pasawife ni Ann at ang kanyang misyong makabuo ng baby nang di nagtatanggal ng brips si hubby. Samut-saring payo na po ang natanggap nya mula sa mga WPP co-bloggers lalo namula kay DJ Robin at ang diyosang itago natin sa pangalang Jovi.

Naging bisyo na rin namin ang mag YM Conferenxe halos gabi gabi. Laging present ang bagets na si Nika, Jon, Pao, Sawn at iba pang mga kakosa. Huwag makijoin sa conference kung ikaw ay may mahinang puso, mahinang tuhod, sikmura at may diperensya sa mata. Kakabagan ka sa kakatawa sa mga hirit ng mga hitads at hitods ng WPP.

Kung ikaw naman ay bored o kaya malungkot, depressed at naiiyak, isang magandang puntahan ay ang WPP Forum:

wordpressfilipinobloggers.jpg

Maliban sa mga the usual na balitaang Pinas, mga payong teknikal at pagkilanlan, may mga paboritong threads po doon na lubhang nakaka-aliw. Pwedeng makitagay sa WPP beerhaus na kumpleto sa props maliban lang sa alak at kung ikaw naman ay naghahanap ng dengue aliw ay sa Madilim na Sulok naman ang bagay sayo.

If you have noticed, the journey that I have embarked in the blogosphere is hardly a solitary one now. I have met real people and joined a real community that transcends the anonymity and the coldness of the virtual world of the internet. These are real people who supported me in my advocacies, real friends who look out for each other. The people in WPP proved that real bonds of friendship and solidarity among bloggers scattered all over the world are possible despite the distance that separates us. Worldpress Pinoys will always be my community.

16 Tugon

  1. eyelabit! hays… tama ka langga, mas lalong naging masaya ang internet life ko eversince lumipat ako ng wordpress.

    ibang iba ang samahan dito. πŸ˜€ habang tumatagal mas nagiging exciting.

    //langga// nakupo ganun ba ang lovelife mo habang tumatagal nagiging exciting? \\selvo\\

  2. uy selvo..ang kulit ng marketing strategy mo sa wordpress pinoy forum ah..hehe! nice!

    //gasti// di ko pa po binebenta ang wpp hehehe… jowk lang \\selvo\\

  3. waaaahhhh!!! ok na sana e, biglang pasokng “boobs na mala-Boy Abunda”. I hate you parekoy.πŸ˜†

    seriously, i share the same sentiment. naging makulay ang cyber life with you guys around.πŸ˜€ sana beyond blogging, forum at chatting ang ating maging prenship.

    dadating din ang time na madidiligan ng suka ang tuyong lumpia ni jojie, at sana kabahagi pa din kayo dun.πŸ˜‰

    //JLo// im flattered by your visit Your Highness… sana po di ikaw nadapa sa blog ko … pwede makahingi ng isang JLo na sayaw? \\selvo\\

  4. … at iba pang mga kakosa…..

    ako yun! kakosa din. haluuu

  5. madami na ang fans mo ka josel. mula ng napanood ka sa tv at youtube, ang bilis ng pag-angat ng iyong popularidad. andito kaming mg WPP na kaibigan mo para hawiin ang crowd na nagkakagulo at nag-iistampede para makurot ka lang sa tyan

    //djruben// kung ganun para na akong rod navarro hehehe madaming fans… standard nga lang \\selvo\\

  6. Good luck to WPP. More power !

  7. di pa ako member huhuhu…ninong salamat kala ko di mo aanuhin…hahaha..nalintikan n.tama si az lagi ako nasa likod mo wak lang sa rally…sasamahan kita khit saan bka kailangn mo alalay ako n lang…kapag yumaman ka ambunan mo inaanak ha…im proud of you ninong:-*love you and more power…ur d beast….ay best pala…mwaahhh

    //bunso// magregister ka na kasi click mo lang yang banner sa taas dun ka magresiter…. bilis \\ninong\\

  8. pahabol…
    @ az willing ka ba maging president ng fans club ni ninong…bwahaha..muse ako…may ganun ba…hahaha sige ingat yaman n lang …hahaha..
    @ ninong antayin mo pagsali ko….:p

  9. Tulad mo isa din akong baguhan sa iisang mundong ginagalawan natin ngayon. Tulad mo madami na din akong nakilalang mga kaibigan sa bagong mundo natin. Lalo na nung dumating ang WPP dumami ang kakilala ko at isa ka na nga dun Kabayang Selvo!

    Pero hindi ako tulad mo tungkol dito “WPP (dobolyoupipi po ang basa nito at di WAPEPE)” *napaghahalata*lols*

    Kitipap Kuya Selvo! Mabuhay tayong lahat!πŸ˜‰

    PS:

    //ambo// bisaya ako kaya matigas dila ko wahehehe \\selvo\\

  10. Uy, na tats ako, talagang hooked na WPPeeps sa Forum ah. Pero lalo tayong dumami at naging close dahil sa WPP na pinangunahan ni Chuckie. Kaya we thank you for the effort and more power to us!

    //banana// di halatang gustong-gusto mo sa wpp. konti lang ang posts mo sa forum…. para lang nagppm kaw dun hehehe \\selvo\\

  11. kuya panu ba sumali basa lang ako ng basa e thank u

    //fooltildend// click mo lang yang second na WPP banner na nasa taas… link yang sa WPP forum… wordpress bloggers can sign up there //selvo//

  12. naiyak akoπŸ˜€ pero tenk you din kasi nabuhayan ako ng loob, akala ko kasi di na ako bastusin, hehehe!

    //kengkay// mamaya na pag wala si hubby hehehe awww \\selvo\

  13. Hahaha. Woohooo! Mabuhay and mga adik na WPP’ers. Lab namen si kuya selvo kasi siya ang bouncer ng confe. Gabi-gabi eh sia ang nag-iinvite. Palitan lang sila ni ann. Pag tulog na si kuya, sabihin mo lang sekwet bigla magigising na yan. Lol.

  14. πŸ™‚ pasali din minsan sa confe hehe.

  15. Laking pasalamat ko rin nung masali ako sa WPP,ambabait lahat ng mga tao.

    More power and God bless!!

  16. Awwww…. na touch naman ako sa post mo, bro! Sorry now ko lang nabasa ito… LOL! Kasi naman… ang trackback mo going to my site nakakabit sa nakanampucha site ko… hindi sa chuckiedreyfus.com kaya di ko namonitor agad. LOL!

    Pero bro, we’re glad that you are a part of our small (but growing community). Know that you will always belong there no matter what! I loved the post man!

    PS.
    Natawa ako sa sabi mo na “boobs na mala-Boy Abunda” HAHAHAHAHA!*****pareng chucky pasensya na hehehe sa nakanampucha kita nakilala hahaha di ko na naupdate until lately hehehe private joke namin ni marekoy yung boy abunda thingy… lambing magkapatid :D*****

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: