Remembering Martial Law, Dejavu?

On September 21, 1972, then President Ferdinand Marcos issued Proclamation 1081 declaring the imposition of Martial Law over the entire country. According to Marcos, Martial Law was declared after the failed attempt of the Communist rebels to assassinate then Defense Minister Juan Ponce Enrile. According to Marcos Martial Law is:

With the imposition of martial law, Marcos usurped all the powers of the State and our country came under dictatorial rule. Martial law was lifted on January 17, 1981 with the issuance of Proclamation 2045. By then, the lifting of Marital Law was already meaningless for the democratic institutions and process were already damaged and co-opted.

marcos

Paano ko ba ipaliwanag ang Martial Law at ang mga taon ng mga Marcos sa kapangyarihan sa mga kabataang di man lang inabot ang Edsa People Power I noong February1986? Kahit ako mismo medyo blurry ang memory ko sa martial law years. Well let me describe that period na lang as I remember it:

1. Use of the coercive arm of the State – the military, the police and paramilitary groups – to silence, intimidate and neutralize the opposition. Napakaraming naaresto noon, lubhang maraming natorture, mga bigla na lang nawala. Marami ditonatatagpuan na lang na patay at marami naman ang hanggang ngayon ay di pa natatagpuan. Hindi sila kumukurap sa paglabag ng mga human at civil and political rights. Kaliwa’t-kanan ang violent dispersals ng mga pickets at mga rallies.

2. Cronies, corruption, onerous deals – Dito nagpayaman ang mga kakonchaba nilang mga negosyante at politiko. Talamak ang pangungurakot sa pera ng Bayan. Gumagawa ng kontrata sa mga dayuhan at lokal ng mga korporasyon na handang magbigay ng milyong-milyon suhol sa mga pulitiko at syempre sa mga Marcoses at kanilang mga cronies. Mangungutang ang kakosa nilang negosyante at ang gobiyerno nagbigay ng sovereign guarantees. Ito yung tipong nagbigay ang gobiyerno ng assurance sa mga dayuhang nagpapautang na kung sakali di magbayad ang nagkautang, sasaluhin ito ng gobiyerno ng Pilipinas at ito na ang magbabayad sa utang. dito tayo nabaon sa utang sa foreign creditors. Nagbabayad ang mamamayan ng utang na wala tayong kinalaman at di natin napakinabangan. Bilyon-bilyon ang kanilang nakulimbat sa kaban ng bayan.

3. Election Fraud and violence – para masabing demokrasya pa rin ang umiiral sa Pilipinas nagdadaos din ng mga eleksyon noon. Kaya lang kung di man sila-sila lang ang tumatakbo, grabe yung pandaraya sa eleksyon, kung natalo sa botohan ay dinodoktor nila ang bilangan. Kung nanalo pa rin ang kalaban, well, pinapatay na lang nila o kinukulong. Yung Batasang Pambansa (katumbas ng Congress ngayon) ay tinawag na rubber stamp ni Marcos, aprub without thinking na lang lagi, basta kung ano ang gusto ni Marcos noon sunod lang sila ng sunod. Hinayaan naman na may mga oposisyon para magmukha nga demokrasya pero konting-konti lang at wala halos magawa kundi mag-ingay tungkol sa mga kababalaghan ng pamahalaan.

Ilan lang to sa mga characteristics ng panahon ng diktadurya ni Marcos. Mahirap bang maimagine kung ano ang sitwasyon noon? or do you have this feeling na parang familiar yang mga pangyayari at kalagayan na ganyan?

gloria

Tomorrow, we commemorate the 35th Anniversary of the imposition of martial law. Ask yourself, 35 years hence, have we gone far as a nation or have we made a u-turn somewhere and thus we get this feeling of dejavu.

gloria and imelda

12 Tugon

  1. sa mga nangyayari ngayon, i dont think na may magandang ngyari na. same thing is happening..

    5 years old lang pala ‘ko that time kaya i really can’t remember what was going on before..

  2. ninong salamat sa info…di pa kz ako pinapanganak nyan….bwahaha

  3. hindi na ako magtataka kung halos magkapareho ang nangyari noon sa nangyayari ngayon.

    hindi ako naniniwala na malaya tayo. independence day? it’s a bullshit.

  4. Sa palagay ko wala ring pinagbago ang panahon ni marcos at ngayon dahil parang iginaya ng kasalukuyang pangulo ang pamamalakad niya sa pamamalakad ni makoy. Andiyan ang pangungurakot, pandaraya sa halalan at biglang pagkawala at pagpatay sa mga tumutuligsa sa kanila.

    Sana naman may pagbabago pang mangyari, kundi man sa kasalukuyang namamahala, sa susunod na uupo.

  5. Ei there! I saw your interview with Che-Che Lazaro on ANC. I wasn’t aware of the Malu Fernandez until I saw it last night. Would write about it later.

    BTW, care to exchange links?

  6. sure makoy… thanks for the visit

  7. ika nga ng nasira kong tiyuhin na si Mang Gurnak (na Marcos Loyalist na numero uno) nang tanungin ko siya kung bakit hindi pa rin nagbabago ang sistema ng pulitika sa pilipinas… “tutoy, you have the government that you deserve… so shut da pak ap! gedemit!!!”

  8. yeah, we’ve been there and now we’re back. just like the marcos regime dami rin human rights violations now with the arroyo govt

  9. //RHAPSODY// & //KATH// sana kahit papaano malalaman ng mga kabataan ngayon ang mga nangyari noon. ang paglimot at ang di pagka-alam yan ang isa sa mga alas ng mga makapangyarihan. madaling luminot ang pinoy kayya eto na naman tayo ngayon….

    //KIKO//, //RAYMOND// & //TRISH// ang kakapal kasi ng mukha, si MARCOS at ARROYO na yata ang pinakakurakot sa mga naging presidente. Dahil malaki ang kinukurakot malaki din ang takot kaya ayan magtatago sa likod ng militar na nagpapagamit din.

    //TAROOGS// manginginom din ba yang tiyuhin mong si Mang Gurnak? palagay ko KBL ang binoto nyan nung Mayo at sya yung sumisigaw na Mabuhay si Macoy!!! (wag naman sana).

  10. Mas grabe at talamak ang kakapalan ng muka ng gobyerno nila Marcos noon. D nga lang halata kasi walang freedom of the press. D pa nakakabanat sa ere ang mga mamamahayag at kumakalaban sa kanila, timbog na agad. Kung d nila tinumba c Ninoy, wlang EDSA 1. Kung walang EDSA 1 malamang d na democratic ang goverment natin kundi Monarchy na!! So we should be thankful we have our democracy back!

  11. Bakit lagi na lang si President Arroyo ang sinisisi sa problema ng Pilipinas?!_lahat naman tayo may kasalanan kung bakit magulo ang ating bansa..,kaso ayaw natin tanggapin ang ating mga mali..,for example: WALA tayong mga DISIPLINA!”_ang simpleng pagtapon ng basura sa basurahan ay di natin magawa..,kahit nasa harapan na lang natin ito.,eh ang mga matatanda pa nga ang nagpapakita sa mga kabataan ng kawalaang hiya nila..,

  12. I agree with you!_hindi lang naman si GMA ang may problema sa pagiisip..pati rin ang mamamayan!. lagi natin nakikita ang mga mali ni GMA pero sarili nating pagkakamali di natin makita. O nagbubulagbulagan lang..mind your own bussiness first!!! One thing pa, ang mga media ay may mali din, halos lahat ng binabalita nila ay negative at minsa’y pa ay kung makasalita sila ay siguradong sigurado sila sa kanilang pinagsasasabi…at minsan nagtatanong sila ng mga katanungan na alanganin na pagsinagot ng isang opisyal ng gobyerno ay sigurado naman talagang maiissue kaya ang ‘masa’ ay puro na lang negative sa gobyerno ang nasa isipan..why don’t preview some of the good things our gobernment has done.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: