AB-ZTE-FG – Wag ituro sa mga anak

Eto po ang Youtube entry ng AB-ZTE-FG na bagong alphabet song mula sa sikat mabahong ZTE Scam.

Hay lord of the rings ano na lang mangyayari sa ating bansa. Magbabayad na naman tayo ng utang na di natin napapakinabangan. Medyo tinamaan na rin ang Malakanyang, nagkusa raw silang itigil muna ang pagpapatupad ng ZTE project kasi nga daw i-rereview pa. Ayan kinabahan at kumurap din ang mga buwaya…. pero wag masyado umasa… ang ibig sabihin lang nito ay masyado nang mainit ang issue at kung masyado nang mainit tumataas ang presyo ng mga taong sangkot kapalit ng pananahinik. Ibig sabihin lang ng suspension ng project ay kailangan ng Malakanyang ng konti time out para itago ang mga dapat itago, burahin ang mga dapat burahin, patahimikin ang mga dapat patahimik. Sa gitna nitong lahat wag nating kalimutan na di pa natin nakikita ang KONTRATA na pinirmahan ni Sec. Mendoza at ng ZTE na sinaksihan ng ating Mahal na Presidente. Sa pagmamadali daw kasi nila pagkatapos ang pirmahan, ay na-MISPLACE diumano ang kopya ng Pilipinas ng kontrata kaya hanggang ngayon ni anino ng pinirmahang kontrata at di pa natin nakikita…

Lakas ng loob nilang mag-announce na isususpend muna nila ang ZTE Deal na parang utang pa ng taong bayan sa kanila ang suspension na ito. Haller, di ba nauna nang mag-issue ng Temporary Restraining Order ang Supreme Court sa ZTE Deal? E ano pa ang silbi ng suspension nyo mga hitad? Sabagay, mas lalong nahalata na PAGPAPALAMIG ang habol nyo para maikubli ang di dapat masilip ng mga tao.

Hay lord!!! Only in the GOVERNMENT of the Philippines nangyayari ito.

7 Tugon

  1. What a big disgrace! Kailan ba mapupuksa ang ganyang sistema sa bansang ito? Nakakarimarim. Ang lalakas ng loob humarap sa taongbayan para magpanggap. Nung una bilib na sana ako eh, ang kaso unti-unting umaalingasaw ang baho. Hay pobreng Juan, pobre na nga, pinagnanakawan pa.

  2. Tama, magpapalamig nga lang yang mga diyaskeng yan. Siyempre, perang malaki na yan, ayaw nilang maging bato pa. Tsk!

  3. ano ba naman yan? kakalungkotšŸ˜¦

  4. palibhasa alam nilang umaalingasaw yung baho nung kontrata kaya sadyang iwinala — anobayan?! kung sa kumpanya mo ito gawin e mabilis pa sa alas-otsong “You’re Fired!” ang aabutin mo… pero sa gubyerno — matnding pabuya ang kapalit ng mga katarantaduhang ganitošŸ˜¦ bwiset…

  5. sabi sa news, the ringtone was made by txtpower for protest daw.

  6. Ang lusot:

    1. hindi puede Contract.
    2. hindi puede Executive Agreement.

    kaya, Legalese, eto ang solution:

    3. Government to Government ODA load, PERO, we have no choice but to get from ZTE! Galing ano, LUSOT na naman ang kalokohan ng gobierno natin.

    Parang ganito, Pautangin kita ng Pera pero Kailangan bilhin mo yong BULOK kong kotse!

    WAWA naman PILIPINAS!

  7. checked CICT website at http://www.cict.gov.ph

    a ping on http://www.cict.gov.ph gave me an IP address of 203.115.131.17

    This address also serves other websites like http://www.anahawfoods.com .

    a ping on http://www.anahawfoods.com will give you a IP address of 203.115.131.17

    My question is:

    since CICT seems to be the lead agency in determining the technical feasibility of the NBN project, the mere fact that they don’t even know how to host their own website gives me doubt as to their technical competence to decide on this project.

    If they say that they are hosting this website themselves, then why are they hosting websites not related to government functions, that is, private industries like anahawfoods.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: