All fingers point to Abalos

I waited for the Senate hearing on the ZTE SCAM last Wednesday with mixed expectations – being hopeful on the one hand and a bit pessimistic on the other. I was hopeful the former NEDA Chairman (now CHED) Sec. Romulo Neri would bare everything he knows about the fiasco. I was also expecting, on the other hand, that Malacanang would play its game plan. Sa aking pagtingin kasi imposibleng pumayag ang Malakanyang na sumipot sa hearings na ito ang kanyang mga tauhan na walang set play kung baga pa sa basketball.

neri & abalos

 

May teorya na ako sa set play ng Malakanyang kaya alam kong malakas ang kanilang kaba noong Wednesday. Bakit? Dahil sa araw na iyon isinalang ang kanilang “weakest link” kumbaga, si Sec. Romy Neri. Kung ang Malakanyang ang masusunod, wala si Sec. Romy Neri hearing na iyon sa Senado kundi nasa piling ni GMA. Noong inimbita kasi si Romy Neri ng Senado, biglang namiss ni Glori sa Romy Neri at inanyayahan syang sumabay sa biyahe nya papuntang New York. Kinailangan pang magkaroon ng vigil ang mga tao sa labas ng bahay nina Neri para masigurong di ito itatanan ni GMA para di makapagtestigo sa Senado.

Sa kabilang banda medyo kampante din ang Malakanyang na di kakanta ang kanila “star player” – si COMELEC Chairman Benjamin Abalos. Kumbaga sa laro, si Abalos ay subok na nilang hindi kumakanta kahit pitpitin mo ang kanyang b*y*g. At ayun na nga nagkita-kita sila sa Senado noong Wednesday. Ito ang ilan sa aking mga obserbasyon:

 

Una, simple lang ang mensahe ni Sec. Neri – sa kanyang pananaw walang kwestyon ang pangangailangan ng Pilipinas ng katulad ng NBN project dahil mahal ang serbisyong broadband sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Nagdebate sila sa NEDA kung paano ito ipapatupad – gobiyerno ba ang hahawak o pribado, BOT ba o government to government agreement ng Pilipinas at China – pero sa bandang huli ay napagpasyahan nilang sundin ang gusto ng DOTC na primary implementor ng NBN project. Dahil dito naging government to government ang transaction. Isa pa sa kanyang sinabi ay 3 beses sila nagkita ni Abalos at sa pangalawa nilang pagkikita naglalaro sila ng golf at pinag-usapan ang ZTE deal. Sabi daw sa kanya ni Abalos – “Sec may 200 ka dito” – na kanyang ikinagulat. At dahil daw dito a sinabi nya sa kanyang staff na bantayang mabuti ang proseso at kanya daw itong nabanggit kay Gloria. Ang sabi raw sa kanya ni Gloria ay huwag itong tanggapin.

 

Medyo na excite na ako sa yugto na ito. Mukhang ibubunyag nga ni Neri ang kanyang nalalaman. Subalit nung tinanong sya tungkol sa mga pag-uusap nila ni Gloria patungkol sa ZTE project ay bigla itong tumalukbong at nagtago sa inimbento ni Gloria na EO 464 at sinabing sakop ng “executive privilege” ang kanilang usapan ni Gloria at di nya ito maibubunyag nang walang pahintulot ni Gloria. Nahulog ako sa aking silya. AWWWWWWW eto na po!!! Malaki ang disappointment ko at nalungkot ako rito. Pero sige lang, di pa tapos ang laro at may ibang pagkakataon pa naman.

 

Ano naman ang sinabi ni Abalos? Well, may inilatag syang teorya. May kampanya daw para siraan ang ZTE deal at sya mismo. Noong una daw ay nalaman na ni Joey de Venecia na ang ZTE na ang contractor sa proyektong ito kaya daw hinahabol sya noon ni Joey para maging tulay ng AHI sa ZTE. Hindi raw totoo na sya ang humahabol kay Joey at sa katunayan si Joey ang humahabol sa kanya. Patuloy na mariing dine-deny ni Abalos na kasangkot sya sa ZTE deal at mas lalo daw na hindi sya broker nito. Subalit di naman nya ipinagkakaila na kilala nya ang mga ZTE executives na pumupunta sa Pilipinas para sa mga proyekto. Nakakatawa kasi di naman nya maipaliwanag bakit sa mga salaysay ng ibang mga taong sangkot sa ZTE deal ay lagi syang nababanggit na kasama sa mga pulong at mga pag-uusap. Kung paniniwalaan natin si Abalos, ang iskandalong ito at gawa-gawa lamang ng isang kontratistang natalo para siraan sya at ang ZTE para maihinto ito nang sa gayon ay may pag-asa uling mag-bid ang kontratistang ito.

 

Wala naman bagong impormasyon na lumabas sa hearing na iyon maliban sa derechahang pag kumpirma ni Neri na sya nga ay tinangkang bigyan ng bribe ni Abalos. Subalit para sa akin may isang malinaw, bagamat di sinasabi, na tulak ang ilang mga testigo sa hearing.

 

 

For me, that hearing made apparent the game plan of Malakanyang – blame it all on Abalos and when possible deny the involvement of Mike Arroyo and Gloria in the scam and when trapped hide behind “executive privilege” provided by EO 464. Abalos is Malakanyang’s fall guy to extricate Mike Arroyo and Gloria from this mess. Sa palagay o sa game plan na ito nagkakaisa ang naguumpugang mga naghaharing-uri. Nilinaw ni Joey de Venecia na wala sang intensyon na idamay ang mga Arroyo’s. Alam naman nilang kahit pa madidiin si Abalos, he needs to be impeached from COMELEC and that is a different ball game.

 

And while I cringed with disgust over Mirriam tirades, I do agree with her on one point, this scandal is about kickbacks – may nakaisa at may naisahan. Hahayaan na lang ba natin na mangyayari ulit ang kinahinatnan ng Hello Garci Scandal na pagkataps mabuking at kahit nagkaroon ng krisis pam-pulitika ay nakalusot pa rin ang mga sangkot sa iskandalo?

15 Tugon

  1. parekoy ipagpatawad mo ang itatanong ko, wala itong konek sa isyu bigla lang pumasok sa isip ko.

    TITO NI RICO YAN SI ABALOS DI BA?

  2. Nakaka-dismaya ng todo tong si Sec. Neri. May press release pang hindi raw sya takot na mawalan ng trabaho. Pwe! Ayun, pumunta ng senado eh bahag naman ang buntot. Maraming disappointed kay Neri – isa na ako dun.

  3. //jojie// huhuhuhu di ko alam eh. hayaan mo itatanong ko sa ZTE.

    //langga maru// naku sinabo mo pa…baka daw magka-edsa pa sa sasabihin nyan… yun lang pala yun…. pero may palagay akong kakanta rin itong si Neri

  4. salamat sa iyong entry, ako ay naliwanagan sa mga pangayayari. lol🙂

  5. *ot
    so…tito nga ba ni rico yan? hahaha, sobra ako natawa sa tanong ni jojie🙂

  6. Tito nga ba? Malalaman sa…. The Buzz!🙂

    Tama si Miriam, may nakaisa at may naisahan nga kaya nagkaisyu.

  7. ay, ako medyo lito pa rin😀

  8. nice picture. kudos to the photographer. precise timing at exact angle. Hehe

  9. LOL @ jojie…jojitah ka talaga, feel na feel ko na ang paghihimagsik ni koya selvo. pagdating ng koment para akong naka drugs..nabuhay ang dugo ko!!! harharhar

    Heniwey, Koya, natanong mo na ba kung tito ba talaga ni Rico Yan si Abalos????

  10. susme ka jojie huhuhuhu ayan napanaginipan ko tuloy na tinanong ko si ablos kung pamangkin nya nga si rico yan… eto ang sagot…

    Selvo: Chairman, totoo po bang pamangkin nyo si Rico Yan?
    Chairman Abalos: Yan? Sounds Chinese huh, taga ZTE ba sya?
    Selvo: Di po ata eh
    Chairman Abalos: Naku paninira lang yan ng mga naisahan ko sa kontrata

  11. pasensiya na parekoy.. hihihihi.. nagkaroon ata ng isyu noon tungkol din kay abalos nung buhay pa si rico yan, tas naalala ko na ininterview siya at hiningan ng comment kasi nga tito niya yun. hindi ko na matandaan.

  12. hahahah commercial break with jojitah!

    ganun pala ang mga pangyayari.. bakit ba ang gulo ng politics???

  13. isagani cruz was right in saying:
    Some persons may be honest but not necessarily brave.

    it proves true for neri. how disappointing.

  14. kahit si abalos nakaturo ang daliri sa sarili! wehehehe🙂

  15. //panyerong taroogs// ikaw naman sineryoso mo yung daliri ng Abalos… nangungulangot lang yun hehehe P200M worth

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: