Palaban – Malabanan Awards Week 2 (UPDATED!)

Dalawang malaking balita ang tumambad sa atin noong nakaraang linggo. Habang ang Pilipinas ay taimtim na nag aabang sa mga rebelasyon ni Sec. Romy Neri sa Senate investigation sa ZTE Scam, pumutok sa balita sa buong mundo ang mga kaganapan sa bansang Myanmar (Burma). Ang Burma ay isang bansang nasa ilalim ng isang military junta. Humigit-kumulang 20 taon na ang pakikibaka para sa demokrasya sa Burma. Ang lider ng pro-democracy movement na si Aung San Suu Kyi ay 12 taon nang naka-house arrest. Noong 1990 nagtawag ng general elections ang military junta at ang lumabas na nanalo sa eleksyon ay ang National League for Democracy (NLD). Subalit ang resulta ng eleksyon na ito ay di tinanggap ng military junta at sa halip na payagan manungkulan si Aung San Suu Kyi bilang nanalong Prime Minister ay kinulong nila ito.

Ang pumutok na kilos-protesta sa iba’t-ibang lugar sa Burma nitong nakaraang linggo ay pinanungahan na mga monks na sinuportahan ng mga daan-daang libong tao. Ang pagkilos ito ay pagpapatuloy lamang ng higit 20 taong nang pagkilos para maibalik ang demokrasya sa Burma. Subalit, walang kasing lupit talaga itong military junta sa Burma, nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon na ng crack-down sa mga nagproprotesta. Naging madugo ang pag disperse sa mga nagproprotesta, ni-raid ang mga monasteryo ay parami nang parami na ang namamatay at nasasaktan sa crackdown na ito. Libo-libo na rin ang kinulong. At nitong huli, dahil sumiklab na rin ang protesta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at lumalakas na ang international support sa protesta, sinara na ng military junta ang internet access ng kanilang bansa pati na rin ang mobile phone services para hindi na kakalat ang mga kwento at litrato ng kanilang pang-aabuso sa Burma.

Dahil sa kanilang magiting at walang takot na pangunguna sa mga mapayapang protesta sa gitna ng karahasan ng militar sa Burma, gagaw ako ng exception sa PALABAN Award nitong linggo at ibigay ang papugay sa mga BURMESE MONKS at lahat ng mga taong kumikilos para sa demokrasya sa BURMA

burmese monks1

burmese monks2

——————— oOo ———————

Nitong nakaraang Miyerkoles, pigil-hininga nating hinintay at inabangan ang Senate Investigation sa ZTE Scam. Naging tampok ang testimonya na pinaka-aabangan ng sambayanan – ang testimonya ni Sec. Romulo Neri at ang testimonya ni COMELEC Chairman Benjamin Abalos.

Bagama’t tumangging magsalita si Sec. Neri tungkol pag-uusap nila ni GMA na may kinalaman sa ZTE deal, kinumpirma nya na sya ay inalok ng P200M bribe ni Chairman Abalos. Ang akusasyon na ito kasama ang mga akusasyon ni Joey de Venecia ay mariing tinanggi ni Abalos. Sa kanyang depensa sa sarili, sinabi ni Abalos na hindi sya ang broker sa ZTE deal kundi si Joey de Venecia. Maya’t-maya sinabi na rin ni balos na pati si Sec. Neri ay broker na rin para kay Joey de Venecia. Sinabi pa nya na ang iskandalong ito ay isang planado at well-funded na kampanya para siraan sya at ang ZTE deal. Gusto lang daw nina Joey de Venecia na masira ang ZTE deal at ito ay ibasura dahil nagalit ito nang matalo ang Amsterdam Holdings, Inc. ni Joey de Venecia sa pagkuha ng kontrata.

Bagaman mariin nyang tinanggi na mayroon syang interes sa ZTE deal, hindi nya naipaliwanag bakit maraming beses syang kasama sa mga pagkikita at pag-uusap na may kinalaman sa ZTE deal kasama na rito ang pagbyahe nya sa China sa gitna ng election period. Kahit pa anong pilit niyang magmukhang inosente, di talaga maalis ang bahid sa kanyang mukha — MUKHANG GUILTY.

Dahil sa kakapalan ng mukha ni COMELEC Chairman Benjamin Abalos na magsinungaling sa harap ng Senado at sa harap ng Sambayanang Pilipino, at dahil sa pagwawalanghiya nya sa posisyon nya bilang COMELEC Chairman at sa pagbebenta nya sa mga Pilipino para sa kanyang sariling interes, ang Malabanan Award ay iginagawad kay COMELEC Chairman Benjamin Abalos.

 

neri & abalos

Kalakip ng award na ito ay ang Special Award

 

Immodium Mukhang Guilty Award

 

Sec. Abalos, tunay at karapatdapat kang ituring na Diarrhea ng Bayan!!! Congratulations!!!! *palakpakan mga binayran*

 

UPDATE

As of noontime today, our Malabanan Awardee has resigned from COMELEC. BAKET?!?! Tinatanong nyo pa kung BAKEEET?! Kasi po ay may impeachment complaint na laban sa kanya sa kongreso. BAKEET TAKOT BA SYA MA-IMPEACH? Sus naman walang takot si Chairman oy hatapang hatao yan. Wala nga syang hiya e takot pa kaya? Pag may impeachment sa kongreso dalawa ang posibleng mangyayari : una, patuloy na mauungkat ang kanyangpagkasangkot sa ZTE scam at habang pinag-uusapan ito sa publiko di mapakali si Ma’am at Sir (kilala nyo na sino mga ‘toh!). Kahit pa matalo sa botohan ang impeachment complaint, the mere fact na pag-uusapan ang papel ni Abalos sa ZTE scam ay malaking problema na sa kampo(n) ng mag-asawang buwaya. Pangalawa, si JDV and Speaker of the House, at kung totoo na si JDV ang may pakana nitong iskandalong ito, patay si Abalos. He will be at the mercy of JDV, a situation he doesn’t want to find himself trapped in. With his resignation, the impeachment complaint in the House of Representatives becomes moot and academic.

Kung titignan nga ang itsura nya sa kanya presscon kala mo kung sinong maamong kuneho tupa. Hay Lord of the Rings III tantanan mo na yang drama mo Boy Kubrador. Sa simpleng pananalita, ang pagRESIGN mo ay ang tinatawag sa wikang Pinoy na IWAS-PUSOY. Oist Ben Komisyon, lalo ka lang nag-MUKHANG GUILTY.

8 Tugon

  1. as of presstime, nag resign na ang malabanan awardee mo, langga.😛 hindi nakayanan ang award mo. lolz!

  2. hahabulin sya ng poso negro kahit san man sya magtago hehehe nakasingil n yata kaya humarurot na ng takbo :))

  3. selvi – mga lintek yang mga taong ganyan, asan na ang pera? imagine, meron syang 200M pesos na pang bribe, e kung ipamigay kaya yan sa mga taong nangangailan or sa mga projects na may silbe? ay ewan ko. nakakapikon lang talaga.

  4. //keng// buhayin mo si hitler at kailangan natin para tirahin ang mga taong ganito hehehe… jowk. yung pang bribe nya na P200M para lang sa iisang tao (kay Sec. Neri)… yung inoffer nya kay Joey de Venecia ay $10M. ang tanong magkano kaya ang sa kanya at sa kanyang among si “back off”? $130M lang daw dapat ang kailanganin para sa proyekto pero ang nangyaring kontrata ay $329M… at dahil ito at utang… ang magbabayad actually sa pinambulsa nila at sa bribe money na pinamimigay nila ay ang mga Pilipino.

  5. iba tlga si abalos.. sakto ang picture sa special award niya.. mukhang guilty hahaha…

  6. Ginagalit nya lalo si mama meriam eh. hahahaha. Ooops, takip ilong me umaalingasaw na yata. lol

  7. koya, ang galeng talaga ng ideya mo na to. Lab it.

    God bless Myanmar! And as for Abalos, well, enjoy the IMODIUM Award

  8. wow….nice and appropriate talaga sa kanila ang mga awards nila….sana lang hah….magpapakatotoo sila…nakakahiya talaga sila…pera lang ang naging dahilan….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: