Sunday

Sunday pala ngayon. Di ko na napapansin minsan ang mga araw para na lang dumadaan ng mabilis. Sunday used to be a day I look forward to. As a child it was the day that we don our best clothes and go to church. Pro its ot really going to church that I enjoy best on Sundays, mas inaabangan ko noon ang pagkain sa labas pagkatapos magsimba. Masarap ang pagkain namin pag Sunday lalo na pag lunch.

 

As I grew up, Sunday took a different meaning. It was a time that I spend with my friends. Lahat kasi kaming magkababata naging Columbian Squires at nagseserve sa simbaan pag Sunday. Masaya ang arw na yun dahil ksama ko ang mga barkada.

 

Marami siguro sa mga kaibigan at kakilala ko di alam na minsan sa buhay ko ay naisipan kong magpari. Siguro dahil gusto ko ang fit ng aking sotana kapag nagserserve ako s a misa noon. O kaya nagustuhan ko ang lasa ng Mompo na nilalagok namin sa sacristy sa likod ng simbahan o kya yung mga nakaw na tingin at nakakakilig na smiles sa mga dalagindings na nagcocommunion hehehe. Pero seriously, inisip ko talagang mgpari at 2 taon ako sa Jesuit Pre-Novitiate sa Xavier U (Ateneo de Cagayan). Araw-araw ang simba ko noon at minsan 2 beses isang araw – sa umaga sa pre-novitiate at sa later afternoon naman sa university chapel kung saan ako nagseserve. Memorized ko pa hanggang ngayon ang script ng pari pag nagmimisa pati mga antang pangsimbahan, pwera na lang ang mga bago.

 

xuxu chapel

Di ko alam exactly kailan ako nagsimulang maging erehes. Basta naalala ko noong nag-exposure ako sa buhay ng mga magsasaka sa Bukidnon at naging aktibo sa mga campaigns for agrarian reform, nakahanap ako ng bagong passion sa buhay ko. Napansin yata ng rector namin na mas busy na kami ng ilang mga kasama ko sa pag-aaktibista kaya napagsabihan kami. Imbes na sumunod ay lumabas na lang ako sa seminaryo (nagka-gf na rin ako nun eh – isang magandang katekista hehehe).

 

Habang tumanda ako, at habang dumadami ang karanasan ko sa araw-araw na pagkilos lalo akong lumalayo sa aking relihiyon. Marami n akong tanong sa mga turo ng simbahan, nagrereact na ako pag nakakarinig ng homily ng pari na conservative. Kaya sa kalaunan, di na rin ako nagsisimba.

 

I have lost my religion dahil medyo pakiramdam ko medyo meaningless na kadalasan pagsimba at panalangin at mga pinag-uukulan ng pansin ng simbahan. Ganyan siguro talaga ang kahit anong organized religion – natatali sa mga rituals at nahihiwalay sa totoong araw-araw na buhay ng mga tao. Pakiramdam o kasi parang lumulutang na ang mga turo sa katotohanan ng buhay – mas pinagtutuunan ng pansin ang kasunod na buhay kesa buhay ngayon. Di baleng magtiis ngayon, maaasahan mo naman ang isang mas marangyang buhay pagkatapos nito.

 

I may have lost my religion, but I still have my Faith. I may not pray often but I let my actions and deeds pray for me.

 

Teka, bakit ba ito ang sinulat ko… hehehe Sunday kasi ngayon at bigla kong naalala ang mga Sundays ko noon.

3 Tugon

  1. can relate🙂 Oftentimes it’s religion which draws us away.
    But Faith is having a relationship, a relationship which is personal not dictated by someone else.

    heheeh lurker ako sa blog mo tagal na rin (welcome back pala sa 2nd life ng blog mo, hehehe born again na cya), and this post made me dish out some thots in your comment box.

    keep postin’🙂

    *****thank you didee… i will add you to my blogroll so i can visit your page from time to time too?*****

  2. nakow! my pleasure po na mapasama sa blogroll nyo🙂

    Thanks🙂

    *****nah the pleasure is mine po :)*****

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: