Guilt, Insecurity and Bribery

Late last week, while the ZTE Scandal was mellowing down and the action shifts to the Ombudsman and the House of Representatives, another scandal erupted. This time it is a man-of-the-cloth-turned-Governor Among Ed Panlilio who found himself exposing a controversy. Gov. Panlilio admitted to the media that Malakanyang distributed envelops containing between Php 200,000 to 500,000 after the meeting of the Union of Local Authorities of the Philippines – ULAP. While he did not say what the money was supposedly for, many in speculated that this is an attempt by Makalanyang to bribe local government officials – governors like Panlilio to ensure their loyalty. Malakanyang continues to vehemently deny Panlilio’as claim despite the corroboration of two more governors.

Ang tanong dito, sino ba ang paniniwalaan mo? Si Among Gob. Panlilio o ang Malakanyang at ang mga alipores nito? Kung ako ang tatanungin walang-kurap kong sasagutingsi Among Ed ang nagsasabi ng totoo. Bakit kamo?

Among Ed Panlilio

Si Among Ed Panlilio ay isang pari na naging controversial nitong nakaraang eleksyon dahil sa kanyang pagtakbo bilang Gobernador ng Pampang laban kina Jueteng Queen Lilia Pineda at Quarry King Mark Lapid. Laban sa guns, goons and gold ng mga kalaban nya sa pulitika, ang naging puhunan laman ni among Ed ay ang kanyang malinis na pangalan at walang lamat na credibilidad na nag-udyok sa laksa-laksang Kampampangan sa suportahan ang kanyang kandidatura. In a classic David and Goliath (2 Goliaths in fact) fight Among Ed won by a slim margin against his opponents. He was catapulted into the Governorship of Pampangan solely by the overwhelming support of the people which was strong enough to beat the forces of violence and electoral fraud.

Anong kinalaman nito sa kanyang credibilidad ngayon? Malaki. Among Ed Panlilio has the attention of various forces both in the province of Pampanga and nationally focused on him. Yung mga kalaban nya, na parehong nasa kampo ni Gloria, matatimtimang binabantayan ang bawat kilos nya para sa unang pagkakamali ay makabanat agad sa kanya. Malaki din ang expectations ng m

ga constituents nya sa kanya at sa mga pagbabagong ipapatupad nya kanilang probinsya. Sa ganitong kalagayan, hindi kailangan ni Among Ed ang dagdag na kalaban lalo na kung ito ay ang pinakamataas ng opisyal ng bansa – A

ng Presidente (na alyado ng kanyang mga kalaban) at ang mga alipores nito. By going public about the distribution of cash envelops Among Ed courted the ire of Malakanyang, something that he does not need at this point. Wala syang dahilan para magsinungaling.

gloria

Maniniwala ba kayong hindi namigay ang Malakanyang ng pera sa mga Gobernador at Kongresista? Ewan ko sa inyo… basta ako di ako tanga na maniniwala sa mga damontres na yan. si Gloria na yata ang pinakamasahol na presidente na nagsamantala sa kahinaan ng ating sistemang pampolitika para sa sariling interes. Dati nang kurakot ang pamahalaan – pero hinigitan ng pangungurakot ni Gloria ang sino mang naging presidente ng bansa. Dati nang may nandadaya sa eleksyon pero hinigitan ni Gloria ang lahat ng pandaraya sa kasaysayan. Dati nang may paglabag sa karapatang pangtao – hinigitan ni Gloria ang human rights abuses kahit ang mga HR violations sa panahon ng Martial Law. Ang tawag dito sa salitang Ingles ay IMPUNITY. Bibilhin nya ang loyalty ng mga opisyales ng gobyerno, papatayin at dudurugin nya ang nasa oposisyon, babaliin nya pati ang batas ng Pilipinas mapananitli lamang sa pwesto at makapagnakaw sa kaban ng bayan.

Tinanong ko nga rin si Ka Taning kung sino ang pinapaniwalaan nya eh? Di ko sasabibin ang sagot ni Taning… gusto nyo magtanong? click nyo ang picture nya sa baba at dun kayo magtanong….

Taning

8 Tugon

  1. i saw him once sa totoo tv (with ariel & maverick). funny & dte (down to earth) person. mga ganyang bagay ang nakakawalang gana sa gobyerno. good thing there are people like him who aren’t afraid of challenging the big ones.

  2. ay ano ba yan, kung sa ibang bagay na lang kaya nila ginamit yung pera? sabunutan ko yang mga yan dun sa ibaba isa isa e, hmp.

  3. sino pa nga ba paniniwalaan ko..
    di na po kailangang sabihin obyus ba..
    saint vs. saint-anas ang labanan eh..

    kung ang Php 200,000 to 500,000 ay pinamudmod sa mga mahihirap eh di nakatulong pa siya at ganda points sa knya.

  4. panyero naman… alalahanin mo ang kasabihan… ang demonyo ay walang pinipersonal, trabaho lang. lalo yang damunyong nasa litratong yan🙂 ampowgi noh?

  5. I must admit half-hearted ako sa issue na ito. Especially when Gov. Ed came out to expose the “suhulan” issue. Though heroic ang dating ng kanyang expose, my question is, bakit nya tinanggap ang pera? Yun lang ang tanong ko.

    Mabuti merong pulitiko na tulad ni Gov. Ed, malakas ang loob. Katotohanan lang talaga ang nais nyang iparating sa ating lahat.

    The news said, even the mark money was given inside Malacanang, no one is allowed to question kung san nanggaling ang pera. Huh! Malaking kalokohan yan! Sino ba ang nasa likod ng Malakanyang? Si Erap ba? hahaha. Nakakaawa na ang taong bayan sa panloloko ng administrasyon ni GMA. Dapat talaga bigyan ng parusa ang mga taong nagkukunwaring Santo!

  6. for me, agree ako don sa tinanggap ni GOV. Panlilio ang pera, atleast may pruweba.. tingnan nyo na nga lang nakagawian na pala si malacanyang yang bigayan na ganyan diba sabi ni CONG Abante e now lang na-expose, yun e dahil kay father ed. sabi nga ni pimentel either public o private funds yan may kaso pa din for gloria.. yehey😛

  7. simple lang naman ang probs ni Gov. Ed eh… kanino daw nya ipapangalan ang resibo sa perang natanggap nya. hahaha! hindi kasi nya alam kung kanino nanggaling. kung nagkataon na intsik si Gov…tiyak walang resi-resibo yan. wahihi!

  8. kapampangan ako. nung naging presidente si gma, nagsimula akong mapahiya na sa parehong lalawigan kami nanggaling. tapos naging isang parang lokohan na ang electorate dun sa pampanga. lito lapid? mickey arroyo? ika mo nga ampft😀

    pero ngayon, medyo naitataas ko na ng konti ang ulo ko para sabihin na kapampangan ako… dahil yan sa bagong gobernador. wala akong pakialam sa separation of church and state. kahit na saan pa nanggaling ang uupo, basta totoo sa tungkulin, matapang, at makatao, oks na ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: