Sowing Terror

Kahapon ng tanghali ginulangtang tayong lahat ng balita : Bomba sumabog sa Glorietta 2 sa Makati, 9 ang patay, mahigit 100 ang sugatan. Sa totoo lang, kahapon pa ako gustong sumulat about the Glorietta blast, kaya lang I have this numb feeling na di ko masimulan ang pagsusulat. Di ko matukoy kung bakit ganun ang pakiramdam ko. It was just plainly shocking.

Buong maghapon sinasabi ng mga pulis na malamang ito ay pagsabog na bunga ng gas leak, may LPG gas tank daw na sumabog sa Yuen Luk Restaurant. Noong makita ko ang mga pictures ‘di ko maimagine bakit gas leak pa rin ang teorya nila halata namang hindi dahil sa laki ng pagsabog, umabot ang debris sa rooftop ng 3-floors na mall, nawasak ang wall ng mall at tinamaan ng pagsabog ang mga sasakyan sa labas. Halata naman hindi LPG ang dahilan ng pagsabog. Ewan ko ba kung nagtatanga-tangahan ang mga pulis or they are just overly cautious that they sounded stupid.

glorietta4 glorietta2

glorietta3glorietta1

 

To view the GMANews.TV PHOTESSAY ON THE MAKATI BOMBING click this link: http://www.gmanews.tv/htmfiles/photoessays/makatibombing/

Marami na ang speculations as to who is responsible for the bomb attack. Sasabihin ka na ang obvious – na ito ay bomb attack – tutal di naman ako PNP. To my untrained eyes and based on the pictures and news reports, the bomb was not intended just to scare nor for mere sabotage. The bomb was clearly MEANT TO KILL – sa laki ng pagsabog, sa lugar kung saan ito pinasabog. Di na kinakailangang mag-isip pa ng malalim. Halatang-halata na ang nagpsabog ng bomba ay may intensyong pumatay. At di lang simpleng pumatay…. may intensyon talagang PUMATAY ng mga INOSENTENG CIVILIANS. Kung mapapasabog ka ng bomba sa mall, sa may escalator, sa may restaurant, di na kailangan ang malalim na imbestigasyon para alamin sino ang target mo. Target mo talagang pumatay ng civilian.

Para sa akin yan ang kasuklam-suklam, ito at gawain ng mga DUWAG. Di ko sukat maintindihan bakit magtatarget ng inosente at mga civilians na walang kapasidad na depensahan ang sarili at walang kapasidad na gumanti. Who would have the heart to kill and maim defenseless and unarmed civilians but the COWARDS.

Dito rin nahubaran ang pinasang batas to fight terrorism kuno – the Human Security Act. O ano mga kups napigilan ba ng Human Security Act nyo ang pagsabog? Nasan na yung mga pinapangalandakan ninyong ito ay para sa seguridad ng mga tao laban sa terorismo? Kung paniniwalaan mo ang mga awtoridad, ni wala daw sila intelligence reports that points to a possible attack.

I know I have to fight this numb and hollow feeling, lest the perpetrators of this cowardly act succeed. I know that I have to find strength and courage somewhere to fight this feeling of hopelessness and helplessness. Condemning this cowardly bombing is a first step. And I pray for the victims and their families – para sa mga namatay at na-ulila, para sa mga nag-aagaw-buhay at iba pang nasugatan.

UPDATE

They have just released the partial list of casualties and here is the list of those who died:

  1. Anthony Arroyo
  2. Cesar Niño Vidano
  3. Maria Celeste Domingo Cruz
  4. Jee Ann De Gracia
  5. Lester Allan Peregrina
  6. Liza Enriquez
  7. Jose Allen de Jesus
  8. Janine Marcos
  9. Reiner Tan

 

flowers-candles

21 Tugon

  1. hi selvo, i am with you on this. i dont believe their theory either. gas leak, hello? nakapaka-walang kaluluwa ng mga gumawa nito – wala silang awa para sa mga inosenteng natamaan. kung ano man yung gusto nilang patunayan, siguraduhin lang nilang WORTH IT itong kahayupang ginawa nila…

    *****No matter how I twist my reasoning or stretch my imagination… I find nothing WORTH killing innocent civilians for. Kung meron mang gustong i-prove ang mga perpetrators nito… ang tanging naprove nila ay sila ay duwag at ang gobyerno at ang anti-terror law nito ay inutil sa harap ng ganitong banta*****

  2. waaa… sa pangyayaring to lalo akong di makakalabas ng bahay… ingat ingat sa ating lahat… always pray bago lumabas and be aware sa paligid natin… wag na lang sigurong lumabas kung wala naman tayong importanteng gagawin…

    *****Oist magpa-araw ka naman baka namumutla ka na jan :D*****

  3. *****No matter how I twist my reasoning or stretch my imagination… I find nothing WORTH killing innocent civilians for. Kung meron mang gustong i-prove ang mga perpetrators nito… ang tanging naprove nila ay sila ay duwag at ang gobyerno at ang anti-terror law nito ay inutil sa harap ng ganitong banta*****

    exactly! kahit paano ko rin isipin, wala akong makitang dahilan para ma-justify ang pagpatay sa mga inosenteng tao. btw, huy, alam mo ba may narinig akong kuro-kuro na tactic daw ito ng gobyerno para ma-distract ang mga tao from the impeachment proceedings? bothered ako (on so many levels).

    *****Dami na ngang speculations eh I have no basis to say na ganun nga. Pero if you ask me, the bombing did benefit the administration… for one the administration has been on the defensive dahil sa high profile scandals na walang tigil sa media all over… the bombing diverts the attention and the public from the scandals. 2nd the Administration now has something to rally people around… the bombing. no. 3 now it has the basis to declare a state of emergency again. But benefiting from the bombing does not make one a perpetrator di ba? but well who knows… this administration is capable of doing anything except being decent, honest and trustworthy.*****

  4. my kuya & sister-in-law were at greenbelt when this happened, sabi ng nanay ko. my other kuya & his wife were supposed to be at bioessence (very near the bomb attack) din, buti na lang hindi sila tumuloy.

    kawawa naman ang mga nasawi sa attack na ito…

    *****buti nga lang di sila natuloy. paano na lang yung mga pamilya ng mga taong andun di ba? that kind of explosion can maim a person for life kahit pa nasurvive nya ang pagsabog.*****

  5. salbahe at walang puso ang gumawa nito… pakshet silang lahat..

    *****sinabi mo pa…. hay naku bakit ba di ako kampante na mahuhuli ang mga gumawa nito?*****

  6. at ngayon mukhang military explosives pa ang ginamit. kung ganito ang red herring tactics ng arroyo administration, halang na talaga ang kaluluwa niya at kung sino man ang may pakana nito. nothing justifies the killing of ordinary defenseless civilians. absolutely nothing.

    *****the problem is bakit parang malakas talaga ang duda na may kinalaman ang administrasyon at di talaga maipagpag ng tao ang pagdududang ito. of course the bobotic response of mr. banana head bert gonzales does not help to clear the administration. sabihin lang ba nyang siguro yung nambibintang sa administrasyon ang nagpasabog, sabay sabi ng malakad ang posibilidad na may mga sasabog pang marami. pero wala daw sila hint na may mangyayaring ganito. utak imburnal talaga lolo mo jae*****

  7. parekoy. c-4 daw ata ang ginamit. military lang meron nyan ah. mukhang sila ang salarin. tsk tsk tsk. kagagawan na naman ng gobyerno?? para lituhin ang bayan at iligaw ang sentimyento ng lahat. puta sobra nato!

    *****Parang laban o bawi ang press release ng PNP… Sabi ni Barias C4 daw sabi ni Razon wala daw C4. RDX pa lang daw ang kanilang naconfirm na meron at tio daw ay component ng C4. Ewan ko ba sa mga yan. nakailang deklara na binabawi din naman. hay lord! Mahigit na 24 oras na ah*****

  8. let’s pray for your beloved country…

  9. eheste, for OUR beloved country pala….

    *****yes kengks this country needs all the prayers… and much much more*****

  10. ang pinang-gagalaiti ko ‘tol, ang theme song sa malacanang yata eh “UNDER MY AMBARELLA” dahil sa ulan nang perang nangyari nong laz wik.

    umuulan nang pera
    ABC-ZTE
    Fertilizer
    dagdagan naten..
    punyeta (sori nagmura ako! mahina pa yan) nila!

    *****ang puso nyo po ingatan… hahaha kakapanggigil ang gobiyerno natin di ba… kala ni gloria cute ang gawing normal ang bagay bagay na imoral at illegal tulad ng panunuhol…. inosente daw sya sa bribery… ano daw? sya ang pinakamakapangyarihang tao sa balat ng pinas di nya alam ang mga suhulang nangyayari sa malakanyang mismo na bahay nya e sino naman ba maniniwala*****

  11. gas leak nilalelong nila…ay naku di ko alam sasabihin ko…walang puso gumawa nyan…inosente dinamay nila…di ba nila naiisip kung anong skit ginawa nila sa pamilya ng mga namatay at nasugatan…sabagay WALA SILANG PUSO…kung anong ginawa mo sa kapwa mo ay babalik sau….10000000x…

    *****ewan ko ba it doesn’t take the eyes of an expert to rule out a gas leak that led to the explosion. sangkatutak naman ata ang gasna kailangan para maguho ang pader, ang first floor at roof ng glorietta2. ano kaya akala ng mga pulis sa atin… tanga… kung sila tanga then wag na nila tayong idamay*****

  12. […] Sowing Terror […]

    *****salamat sa link bluep*****

  13. […] 8, hurts more than 100 Red October Our heart goes to the victims of the Glorietta tragedy Sowing Terror Doomed Friday: Explosion ripped through the Glorietta 2 Mall in Makati City Glorietta bombing: […]

    *****salamat din sa pingback Ambo pogi😉 oist binoto kita :D*****

  14. Mahirap nga mag-speculate kung sino talaga ang maysala, pero di talaga maalis sa isip ko na maaaring may kinalaman nga yung babaeng maliit na nasa puwesto ngayon sa nangyari.

    Parang kapareho kasi ito nung Oplan Greenbase nung 2003 na ibinunyag nila Trillanes noon. Opinyon ko lang ‘to, sana walang violent reactions sa iba.

    Sana nga mahuli kung sino mang halimaw ang may pakana nito.

    *****alam ko kiko na ang ireland ay di nahuhuli sa ganitong pambobomba noong panahon ng IRA. nawala na nga jan dito naman sa atin. Ewn ko bakit kailangan ng ganito at di ko talaga lubos maisip paano majustify ang pagpatay ng civilians para sakahit anong dahilan. at tama ka, bakit ba parang hindi imposible na may kinalaman si nunal sa ganitong pangyayari? di ko sinasabing sya talaga, pero i find it strange that we cannot rule out the possibility na sila nga may pakana nito… parang di normal di ba?*****

  15. Brod Selvo you’re welcome! Salamat din sa boto brod!

  16. i hope na maghigpit na ulit ng security sa atin.. it’s so scary..

    *****mahigpit na ang security. actually ganun nga tayo lagi especially the police, masyadong reactive. kaso lang hanggang kelan yan ganito? focusing your police force in guarding malls and terminals of mass transport (like bus, lrt/mrt, airport and ports and etc) will effectively pullout police presence in our communities leaving us vulnerable to local criminals. how can the security be sustained?*****

  17. nakakatakot nang isipin na hindi na talaga safe ngayon. kahit saan pwede na ulit mangyari ang ganitong insidente. sa ngayon, aktibo ang mga kinatawan ng gobyerno para sa pagsupil ng ganitong kasamaan. pero hanggang kailan?
    letse yang mga nagpasabog na yan. tama nga ang sinabi mo, mga DUWAG sila. kung tunay silang matatapang, lumaban sila ng patas. suntukan na lang! at least dun, makakalaban ang mga inosente. wala silang kasing sama. pakshet talaga.

    *****they way the government has responded to this incident does not really inspire confidence. i mean when you’re National Security Adviser is busy trading barbs with Sen. Trillianes and sounding very defensive how would you be confident of our country’s security? when the police is neither here nor there in the investigation and until now the source of the explosion is still a mystery even to the police who junks a theory one moment and revives it a few hours after. Kung act of terror nga ito, totoo ngang duwag ang nasa likod ng pagsabog. Paano na rin kaya ang mga pamilya ng mga biktima? yung mga nawalan ng ama, ina, anak at kapatid? paano rin yung mga nasugatan na patuloy na mangangailangan ng medical attention? tayo pa naman mahilig sa ningas cogon, pag nawala na ang attention ng nedia at ng publiko nakakalimutan na nating ang mga biktima.*****

  18. hanu na ba ang nangyayari sa ating bansa,, puro na lang pasabog,., kuya selvo ingat ka ,wag ka muna masyado mag malling ngayun okey?

    xiao!

    *****gustuhin ko mang mag-mall ay wala din akong pera para gastusin hehehe ayokong mainggit lang sa mga makikita ko dun. di talaga ako mall person. nagpupunta lang ako dun kung may sadyang bibilhin o manonood ng sine or para kumain. mahirap ding baguhin ng mga tao ang kanilang mga routines dahil lng sa bomba. kapag natakot nasilang gumawang mga bagay na gusto nilang gawin dahil sa pagbomba… nanalo na ang mga nasa likod ng pagbobomba kai in the first place yun naman ang pakay nila… matakot ang mga tao.*****

  19. hay kuya selvo!

    nakaka-depress na talaga ang mga nangyayari sa Pilipinas. Sabi ko nga sa post ni Rob, all the more na natetempt na akong umalis dito. Yes, kahit san naman may danger, at kung time mo na talaga eh wala tayong magagawa…

    Pero ang point is, when will the killings stop?!?! Kailan matitigil ang pandadamay sa mga inosente?

    Sobrang depressing! Kasi ba naman, last year, sa araw araw na ginawa ng Dyos, lagi ako nasa Glorietta…isa ako sa mga manggagawang Pinoy na nagkukumahog magtrabaho at kumita ng kakarampot…at diyan nga sa may 6750 ang office namin. Lunch break, coffee break, CR break, at pampa-alis boredom break sa office….dinadaan ko sa pagtawid papunta sa katapat ng Glorietta mall….

    Tapos, yun pa nga…I was all set to go to Glorietta that fateful day….nagkaron pa ako ng premonition nung gabi..I was even saying goodbye to a loved one na siyang kinatampo nito….bawiin ko daw dahil di magandang biro….God intervened! Thank you Lord!

    Nakakalungkot isipin talaga na ang mga katulad ko pang nagpapakahirap maghintay para sa pagdating ng 15th and 30th na paydays…ang siya pang madadamay…

    Imagine, nagpunta ka mall para kahit paano ay maibsan yung pagod sa trabaho tapos eto pa mapapala mo?!

    Sa gatiting na kita, sa konting pagsasaya sa Glorietta o kahit san pang mall….mahahatulan kang masugatan or worse, mawalan ng buhay….

    Maawa naman kayo!

    *****lahat tayo dumadaan sa ganyang muntikan, while we are thankful na hindi tayo nadamay sa araw na yon alalahanin din natin na may mga taong di naging maswerte tulad natin. minsan madaling kalimutan ang mga ganitong mga pangyayari, minsan madaling ibaling ang ating atensyon sa ibang bagay, madaling bumalik sa normal na buhay. pero kung hanggang ganyan lng tayo, uulit at uulit ang ganitong pangyayari. take care of yourself tin*****

  20. I worked for a bank in Makati for 4 years before trying my luck abroad. Homesick na nga. Eto pa ung balita. The saddest part of it all is kahit nandito ko natatakot ako for my family and friends dahil sa nangyayari sa Pinas, para kahit san ka pumunta, pwedeng bombahin.

    KUNG SINO MAN UNG RESPONSIBLE: MGA ANAK KAYO NG PATIS, ANU BANG PINAGLALABAN NYO TALAGA? KAHIT ANO PANG REASON NYO, POLITICAL, RELIGIOUS..YOU HAVE NO RIGHT TO CLAIM INNOCENT LIVES..IT’S NOT YOURS TO CLAIM.
    BUT THEN, TERRORISTs NGA KAYO..WALA KAYO PINAGLALABAN. HINDI NAMAN KAYO TAO. YOU ARE ALL DEVILS TRAPPED INSIDE A MAN’S BODY.

    Mag ingat na lang kayo jan mga kabayan..And sana naman dagdagan ng government ung security jan..Laki laki sumingil ng tax, kumilos naman kayo. Alam nyo lang kasi mangurakot.

  21. […] Sowing Terror […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: