Lousy Whitewash: Buko na Humihirit pa

Natawa ako sa article na ito sa GMANews.TV ngayong umaga. Kung di nyo pa nakakalimutan pumutok ang issue ng pamimigay ng pera sa Malakanyang dalawang linggo na ang nakaraan. Nangyari ito sa oathtaking diumano ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na ginawa sa Heroes Hall ng Malakanyang. Para sa mga hindi masyadong nakasubaybay, ang ULAP ay assosasyon ng mga elected local government officials.

 

Matatandaang nagkaroon ng iskandalo noong inihayag ni Pampanga Governor Among Ed Panlilio na binigyan sya ng paper na nung tiningnan nya later on ay naglalaman ng kalahating milyong piso (PhP500,000). Sabi ni Gov. Panlilio ang bag ay binigay sa kanya ni Bulacan Governor Jonjon Mendoza. Sinabi rin ni Gov. Mendoza na ang paper bag na ito ay pinakiusap lang sa kanyang ibigay kay Gov. Panlilio at sya rin ay mayroong natanggap ng kaparehong paper bag na naglalaman din ng Php 500,000.

 

Naging controversial ang bigayan ng pera na yon. Una sinasabing ang perang ito daw ay para sa mga barangay projects ng mga Goberbadores pero nung deny naman ang Malakanyang na sa kanila galing ang pera. In fact, Gloria even asked the Presidential Anti-Graft and Commission to investigate the incident. Deny to death din ang DILG di rin daw galing sa kanila ang pera. Naging misteryoso ang pinanggagalingan ng pera dahil walang umaamin. Marami tuloy mga haka-haka na lumabas kung para saan ang pera at ang pinakamatunog ay yung ito ay nabulilyasong attempt na suhulan ang mga gobernadores para maging loyal sa Malakanyang.

 

Dalawang linggo na ang nakaraan, maraming kwento na ang lumabas, marami-rami na ring paramdam ang umabot kina Gov. Panlilio at Mendoza. Subalit nababalot pa rin ng misteryo ang bigayan ng pera at marami pa ring tanong ang di nasagot. Ngayong umaga nasa GMANews.TV ang kasagutan. Para sa buong istorya i-click itong link: Amid ‘cash gifts’ row, League will give other execs P500K.

 

Ayan na mga kapatid, inamin na ng League of Provinces na si Eastern Samar Governor Ben Evardone, ang kanilang Secretary General, na sa kanila nanggaling ang perang pinamigay. Katunayan nga daw ay magbibigay pa sila ng ganung pera sa iba pang mga gobernador.

Gov. Evardone

Eto ang mga excerpts ng pahayag ni Gov. Evardone:

“May ibibigay kami sa susunod na linggo tig-P500,000 (We’ll still distribute P500,000 each to governors in the coming weeks),” Evardone said in an interview on dzBB radio.

He did not name the governors, but noted the league has 81 members representing all 81 provinces of the country.

Evardone said the fund for the governors would reach up to P20 million.

Also, he insisted the money mainly came from “annual membership dues” but indicated the dues ranged from P60,000 to P200,000. He did not explain the discrepancy in dues. Evardone said the league accepts funds from “donor agencies and financial institutions,” which he also did not name.

“Normally check ‘yan. Biglaan kasi ang nangyari sa Malacañang dahil nagkataon nandoon si Gov. Panlilio at Mendoza. Ang secretariat gumawa ng paraan para bigyan sa kanila (Normally we give out the money in checks. But the meeting at Malacañang was hastily called and Panlilio and Mendoza happened to be there. The secretariat found a way to give the money to them),” he said.

“Dapat mag-submit sila ng resibo at liquidation report… Yan ang problema sa secretariat namin, di napa-receive sa dalawang governors. Baka ngayon o bukas magbigay ng acknowledgment (The two governors should submit receipts and liquidation reports. That is the problem with our secretariat, they did not ask for a receipt from the two. Perhaps today or tomorrow we’ll ask them to acknowledge the money),” Evardone said.

Ayan malinaw na ha, wala nang duda. Ang pera daw ay sadyang ibibigay sa mga gobernador ng League of Provinces. Ang pinaggagalingan daw ng pera ay yung pondo ng League na galing sa membership dues ng mga miyembro at mga donor agencies. Bakit cash ang binigay kina Panlilio at Mendoza? Kasi daw nandun na sila eh, ginawan na lang ng paraan para mabigyan sila kaagad at dahil wala ng oras ay cash na lang at hindi check. At ang perang ito daw ay pasa sa “capacity building” ng mga bagong gobernador tulad ng 2.

Well said Gob. Malinaw na malinaw po Gob. May phoned-in questions lang po ako Gob, pwede?

  1. Bakit po inabot ng kulang-kulang dalawang linggo bago kayo lumabas at aminin na sa League nyo galing ang pera? Ganun po ba kahaba ang panahon na kinailangan ng inyong mga abugado para makapag-isip ng paraan para maclear ang Malakanyang at ang DILG?
  2. Pepwede na po ba ang cash talaga ang ibibigay ninyo? Paano po ba ang documentation ng fund releases ng League of Provinces? Pwede na po ba clippings ng news articles na inamin nina Gov. Panlilio at Mendoza ang magiging supporting documents ng fund release? Wala po kasi kahit acknowledgment receipt man lang kahit nakasulat sa table napkin eh.
  3. Sadya po bang malayo ang mga probinsya nina Gob Panlilio at Pineda odi sila madaling hanapin at kinailangang sa okasyon na yun talaga ibibigay ang pera at di na makapaghintay ng pormal, normal at legal na process ng fund release? Nagtitipid po ba kayo sa pagbabayad ng bank charges at kinailangang i-abot ang pera sa loob ng supot?

Sana po mabigyan nyo pa ng konting linaw ang mga katanungang ito. At sa inyo pong pagsagot isa-isip nyo po itong ilang karadagang tanong:

  1. Wala na po bang mas matibay-tibay na palusot na inyong maisip?
  2. Bakit po kayo pumayag maging fall guy? o iipitin nyo lang yung members ng secretariat nyo?
  3. Ano po ba ang palagay nyo sa amin? Tanga?
  4. Tatanggapin nyo po ba ang Malabanan Award kung sakaling kayo ang mananalo this week?

RELATEDSTORY: ‘Cash gifts came from us’–league of governors

7 Tugon

  1. pinag isipan masyado kaya umabot ng 2weeks biro mo lusot na lusot nga naman ang rason nila “TULONG ITO PARA SA MGA BAGONG GOBERNADOR” ayon naman pala gobernador e bakit may mga congressman na nakatanggap din? sino naman kaya ang aako para don? lets wet and see, ay wait pala. mahirap ng magpagago lalo na sa mga gago’t kalahating mga opisyal na nagpapagamit sa pagpapaikot ng mga nagugutom na utak na noypi. kaya pinoy di bale ng gutom mas may dignidad yan kesa magpaloko lang tayo sa mga lokoloko.

  2. Akala nila makakaligtas sila ke brod selvo ha. Dumaan lang ang G2 issue, akala nyo matatabunan na ang issue? Wais to gid! Boto ko yan sa Malabanan Award! Amf!

  3. Hanep sa palusot ah! Tsk! Tsk!😦

  4. pwede rin bang pumila sa mga lintek na palusot na yan? ano yan, bagong laro. hmp. pagalingan ng palusutan…

  5. Hayayay….😦

    Ilang pamilya na siguro ang mapapakain at ilang bata na rin ang mapapag-aral sa perang yun.

    Sayang naman kung mapupunta lang sa bulsa ng mga pulitikong wala nang mapaglagyan ang yaman.

  6. Selv’s,

    Time to come up with a stand regarding Erap’s pardon.

  7. Political investment lang obviously yung pag-pardon ni GMA kay Erap. Malamang umaasa siya na Erap will return the favor someday when she needs it the most.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: