Mandarambong Pinalaya ng MAS Mandarambong

“National unity, the rule of law, justice with accountability” were the guideposts President Gloria Macapagal-Arroyo said she used in deciding to grant pardon to her ousted predecessor, convicted plunderer Joseph Estrada. (Philippine Daily Inquirer 10/26/07)

Nagulat pa ba kayo sa balitang binigyan ng pardon ni Gloria si Erap sa kasong plunder? Sa totoo lang, matagal na akong duda ng ganito nga ang kahinatnan nitong mahigit nang 6 na taong kaso ng plunder ni Erap. subalit nung malaman ko kagabi na finally napardon nga ni Gloria si Erap, medyo malakas pa rin ang tama sa akin kahit na-anticipate ko na ito.

Erapgloria and imelda

Nung panahon ni Marcos, walang kasong plunder dahil wala pang batas para dito. Subalit dahil sa ating karanasan ng garapalang pangungurakot ng diktadurya ni Marcos, ipinasa natin ang isang batas na nagdefine sa kasong PLUNDER hiwalay pa sa ordinaryong kaso ng grft nd corruption para huwag na maulit ito. At dahil gusto nating ipakita na muhing-muhi tayo sa pangungurakot, ginawa pa nating capital offense ang PLUNDER – ibig sabihin ang kaparusahan ay kamatayan (nitong nakaraang taon naabolish na ang death penalty).

Subalit, alam natin na hindi napigilan ng batas na ito ang plunder. Kahit alam na alam ni Erap ang batas na iyon dahil isa sya ay senador nung pinasa ang batas na yun. Marahil dala ng pagtitiwala sa kanyang kapangyarihan bilang Pangulo ng Pilipinas, di niya inisip na sya ay mahuhuli. Mahigit kalahating bilyong piso ang sinamsam ni Erap. Subalit nabuko ng kanyang pagdadarambong nung pumiyok ang kanyang kasabwat na si Chavit Singson at kinanta ang kanilang pagnanakaw sa bayan.

The rest is history. Erap becam the first Filipino President to face the impeachment proceedings. Although his allies in the Senate successfully won the vote to suppress the presentation of the contents of the “second envelop,” the people did not let them get away with it. With the impeachment bid good as dead in the Senate, the people went out to the streets and we had Edsa 2. Erap was forced to leave Malakanyang, and Gloria assumed as President.

Di ba ang taumbayan ang nagtaya para patalsikin si Erap sa Malakanyang dahil sa kasong pandarambong? Di ba nagkagulo tayo noong dinakip si Erap noong May 1, 2001 at nagkaroon ng EDSA 3? Di ba nahati pa ang bayan sa isyung ito? Di ba hinintay natin ang 6 na mahahabang taon para makita ang resolusyon ng kasong ito?

Bakit biglang nagkaroon ng pardon? Ni hindi umaaamin si Erap sa mga akusasyon laban sa kanya. Di ba tagilid naman na talaga ang depensa ni Erap sa kaso? Di ba TAMA lang naman na parusahan sya sa kanyang krimen? Halos lahat tayo sigurado na matatalo na si Erap kahit sa Supreme Court.

Muntik nang makuha ng taumbayan ang hustisya…. konting tulak na lang sana makakamit na ang hustisya. Subalit umeksena itong si Gloria. Nasusukol na sa kaliwa’t-kanang akusasyon at expose ng pandarambong… mga pandarambong na di hamak mas malaki pa sa ginawa ni Erap. Nasusukol na si Gloria dahil nabibiyak na ang koalisyon nila ni JDV at delikado na sya sa impeachment.

Gloria was catapulted into power by People Power. She has betrayed the spirit of People Power by cheating in the 2004 Elections (remember Hello Garci?). She violated the spirit of People Power when she began outdoing Erap in the Plunder game. Di hamak na mas malaki ang ninanakaw ni Gloria sa bayan kesa kay Erap. Mas malaki syang magnanakaw kaysa kay Erap. Nananganganib na kapangyarihan ni Gloria, alam nya yon.

Alam ni Gloria balang araw, haharap din sya sa hinaharap ngayon ni Erap. Haharapin din nya ang hatol ng bayan. Balang araw kakailanganin din nya ang PARDON na tulad nito.

Nagtataka pa ba kayo at naguguluhan bakit pinatawad ang mandarambong ng mas higit pang mandarambong? No matter how hard I try to stretch my imagination, I cannot see how “National unity, the rule of law, justice with accountability” have anything to do with this pardon.

Sa November 1, kapag nagsindi tayo ng kandila at nagdasal para sa namatay nating mga mahal sa buhay… magsindi na rin tayo ng kandila para sa DIWA ng People Power at EDSA.

7 Tugon

  1. Isa lang masasabi ko diyan, Taksiyapo!!😦

  2. hindi na ako nagulat, kuya selvo. nung naguumpisa palang ang trial eh may gut feeling na akong ganito ang magiging ending nito. pfffftttt.

  3. eka nga birds of the same feather, feather together😀 flock together😛

  4. Sana matauhan na ang iba sa atin tungkol sa mga kasong unti-unting naglalabasan laban sa ating Pangulo. Nakaka-alarma na ang mga issue tungkol kay GMA. OO, kahit pasinungalingan niya ang lahat, san ba nag-uugat ang lahat ng ito? Di ba sa mga taong kasangkot dito? Ibig sabihin, totoo ang lahat ng bintang na yan. Napapanahon na sigurong parusahan ang mga taong dapat parusahan.

  5. wala akong masabi😦

  6. Si Marcos, namatay na nang hindi naparusahan … si Imelda at mga anak … binabalikan ang nakaw na yaman pa rin … si FVR, nakalusot … si Estrada, na convict pero na pardon … si First Gentleman, laging involved sa mga anomalya pero nakaka lusot.

    Dapat palitan na ang sagisag ng pangulo … ngayon leon … dapat cross-bones na lang. Panay mga pirata silang lahat.

  7. walang kwenta ang pangulo natin! bakit ang mga mahihirap kapag nagkasala kahit maliit lang para sa kanila wala ng kapatawaran……..eh bakit sila parang wala lang,,,,,,,palibhasa nababayaran sila,,,,,,,,,fake!!!!!!!!!1

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: