This morning I woke up at around 4:30 and my body felt like it is made of lead. Di ko halos magalaw ang aling bahagi ng katawan ko na walang sakit na naramdaman. Bakit? Dahil kahapon nagkaroon ako ng pagkakataon lumakad kasama ng mga Sumilao farmers mula sa Tiaong, Quezon hanggang sa Los Banos, Laguna.
Ang mga Sumilao farmers ay ang isang grupo ng mga magsasaka na naglalakad patungong Manila para iparating ang kanilang karaingan tungkol sa lupa. Nagsimula silang maglakad sa Sumilao, Bukidnon noong Oct. 10 at nasa Tiaong, Quezon na sila kahapon noong ako’y ay sumama sa kanila. Nalakad na nila ang mahigtt 1,500 kilometers sa loob ng 50 araw.
Tuwang tuwa ako noong inimbita ako ni Atty. Kaka Bag-ao na samahan sya. Si Kaka ay ang matalik kong kaibigan na abogada na katulong ng Sumilao farmers. Magkasama kami noong 1997 noong naghunger strike ng 28 na araw ang mga magsasakang ito.
Dumating kami sa Tiaong ng bandang 12:30 ng hatinggabi. Nasa isang gymnasium sila nakisilong noong gabing yun. Di ako nakatulog dahil na-excite akong makitang muli ang mga magsasakang kaibigan na di ko na nakita sa loob ng 7 taon. Bandang 2:30am nagsimula na silang magising. Nakakatawa nga dahil di na nila ako nakilala. Di hamak na mas mataba na ako kesa nung huli kaming nagkita. Matagal muna akong titigan bago maalala ang pangalan ko — Josel!!! sigaw nung isa. Yung karamihan ay naalala ang mukha ko. Natawa ako kasi ang pagka-alala nila sa akin ay yung lalaking malaki ang boses na naglelead ng chanting sa mga rallies nila nung araw at ang lalaking sumayaw sa ibabaw ng jeep noong napalaya namin ang mga dinakip na leaders nila nung May 2000.
Sinalubong nila ako ang mahigpit na yakap. Nangingilid ang akin luha noong magsimula na kaming maglakad. Mahaba ang nilakad namin kahapon – mula Tiaong dumaan kami ng San Pablo City, Calauan, Bay at Los Banos. Lahat-lahat 41 kilometers ang nilakad nila. Nakisabay ako sa 12 kilometers mula Tiaong hanggang San Pablo. Halos di ko na maiangat ang akin mga paa pagdating ng San Pablo at para na akong nakaapak ng sandamukal na pako. Kaya mula San Pablo ay lakad-sakay ang aking ginawa. Talagang surrender ang mga paa ko sa lakad na iyon.
Di ko lubos ma-imagine ang ginagawa nilang paghihirap. Araw-araw nilang ginagawa ito sa loob ng halos 2 buwan. Marami na rin sa kanila ang natumba – babae, lalaki, matanda at bata. Si Joel ang natumba kahapon. Sa mga ganitong mga pagkakataon, pinipilit ng natumba ang bumangon at lumakad muli pero kapag hindi talaga kinakaya, mas pinipili nilang buhatin ang kanilang kasama kesa ipasakay sa jeep. Natumba si Joel pagkatapos naming mag-almusal, nilabas ang lahat ng kinain nya nun pang pang hapunan at almusal. Pinilit nyang bumangon subalit 2 hakbang pa lang ay natumba ulit. Pinasya naming ipadala sya sa ospital ng San Pablo at tumuloy na kami sa paglalakad. Bumalik si Joel lulan ang isang ambulansya sa San Pablo. Sabi ng doktor ay sasabay na lang ang ambulansya sa paglalakad para di mahiwalay si Joel sa mga kasama. Pinilit ni Joel maglakad uli, di nya daw matiis ang makitang naglalakad ang mga kasama nya habang sya ay nakasakay sa ambulansya. Ayaw talagang pumayag na sumakay kaya ayon lumakad sya hanggang Los Banos na parang walang nangyari. Kapag nanghihina ay kumakapit na lang sa mga kasama nya at inakay sya ng mga ito hanggang makarating sa stop sa Los Banos.
Sa totoo lang I am humbled by them, by their determination and will power. Ni katiting di ko maikumpara ang aking sarili sa kanila. Lahat sila halos nasasaktan na sa paglakad pero ayaw nilang tumigil. Palagay ko, yun ang kalakasan nila. Kahit mahigit na 10 taon na silang nagtitiis at nakikibaka para mabawi ang lupang inagaw sa kanila at kahit anong pang mga talo nila sa kaso at iba pang kahirapan na dinanas nila sa kamay ng pamahalaan, patuloy silang nakikibaka, patuloy silang kumikilos. Kaya ganun din sila sa paglalakad. Bawat sakit na nararamdaman ay mas lalong ibayong lakas ang binubuhos sa bawat hakbang ng kanilang mga paa.
Their journey to from Bukidnon to Manila is almost near its end but their struggle for their land remains. They will not stop until they get what is rightfully theirs. During the walk yesterday, I wept several times not out of pity but out of pride that I have shared my tiny piece in their struggles, in their pains and in their hopes. Para sa mga tulad kong aktibista, ang mga ganitong karanasan ay bitamina para sa puso, sa utak at sa pangarap.
One day their struggles will come to an end… one day their will to struggle and sacrifice will overcome the barricades that our system imposes upon them. On day they will get what is rightfully theirs – a piece of land that will make their dreams and hopes come true. My share in their struggle, however small, will be a badge of pride for me.
Here is a piece of their journey. The video below are snippets of their journey to the place where my parents lived and made their dreams come true – Mainit, Surigao del Norte. May this video give you a glimpse of these wonderful people and make you share their dreams as well.
Filed under: My Space | Tagged: MAPALAD, sumilao farmers, walk for land | 7 Comments »