Do you believe in ghosts?

Happy Halloween mga kapatid!!! Gusto kong magpahinga muna sa mga usaping pulitika para lang naman maiba at di nakakasawa. At dahil gusto kong makibagay, ang topic ko ngayon ay multo.

Naniniwala ba kayo sa multo? Ito ang tanong na umiikot ngayon sa opisina namin ni Taroogs at ito ay hindi dahil sa Halloween pero dahil may ilan na ring nakaramdam ang iba sa aming bagong opisina at siyempre kasama ako roon. Eto ang ilang mga examples:

 

  1. habang nag-iisang nagkakabit ng linya ng internet ang isa sa mga IT boys para sa LAN ng opisina doon sa kwarto namin ni Taroogs isang gabi. May naramdaman syang pumasok sa silid at dumaan sa kanyang likod. Sa pag-aakalang ito ay ang kanyang kasama, nagkwento pa sya. Sbulait nagtaka sya na walang imik ang anyang kausap aya lumingon sya at nadiskubreng wala nga pala syang kausap.
  2. Isang Sunday ng gabi bandang 11pm ako ay nagpunta sa opisina para doon matulog (may dumating kasi sa bahay na ayaw akong makita). Pumasok ako sa room namin at iniwan ang aking bag at lumabas para kunin ang aking unan at sleeping bag sa kabilang kwarto. Napadaan ako sa isa ko pang panyero na noon ay nagtutumblebugs dahil nagloloko ang internet connection at chumika ako ng sandali at sabay pasok na ulit sa room. Sa aking pagbukas ng pinto may narinig akong TOOOOT! paglingon ko sa pinanggaling ng tunog ang PC ng kasama naming on-leave ng ilang buwan ay nagboot ng mag-isa. Natulog akong nakabukas ang pinto papuntang veranda just in case may tumabi sa akin na di mo naman kilala o di ko nakikita.
  3. Nag-iisa naman tong si Taroogs sa aming room isang araw, may tinatapos na dokumento at pasilip-silip sa kanyang Facebook at sinisipat kung may umaatake sa kanya sa Counterstrike, naradaman daw nyang may kumalabit sa kanyang likod. Di naman to araw ng Huwebes kaya tiyak akong di nagdedeliryo si Taroogs sa sipa ng Pulang Kabayo.
  4. isang Sunday ng tanghali dumating ang isa naming kasama sa opisina upang magsurf sa internet, dahil walang pasok ay nag-iisa sya sa kanilang room at habang wiling-wili sya sa kakasurf, naramdaman nyang may nagtakip na malamig sa magkabila nyang tenga. Tumayo sya at umuwi, di ko na nga lang naitanong kung nagkarron pa sya ng panahong patayin ang kanyang PC. Ito ay taong di matakutin, nakita ko na itong humarap sa pamalo ng mga pulis sa ilang mga dispersals ng aming mga rallies.
  5. Araw ngLunes, nitong kakatapos lang na barangay elections, umuwi ako ng bandang alas-11 ng gabi noong wala na masyadong nagpapanic na mga tawag sa aming hotline tungkol sa mga pandaraya sa eleksyon. Naiwan sa opisina ang isa naming kasama na nagpasya na ring umuwi ng bandang hatinggabi. Bago daw sya bumababa ay sinilip ng ang kabilang kwarto para magpaalam sa sino man ang nandun pa. Nung buksan nya ang pinto may babaeng sumita sa kanya pero di nya kita dahil di nya binuksan ng todo ang pinto. Di raw nya masyadong naintindihan ang sinabi pero sounds like ganito: Oist may tao rito! Wag ang istorbo. Dahil tinarayan sya ay nagsorry sya sabay close ng pinto at bumaba. Tinanong nya sa mga tao sa baba kung sino pa ang naiwan sa taas. Sagot sa kanya ay wala na maliban sa kanya. Dail nag-insist syang meron pa at nakausap nga nya pinuntahan nila sa taas. Wala na ngang tao. Sa gabing din yon ay may narinig silang humahagulgol sa taas ngunit kapag kanilang inaakyat ay nawawala.

Naniniwala ka ba sa multo? Unang linggo pa lang namin sa bagong opisina ay may nagchika nang kapitbahay sa may tindahan sa isa naming kasama. Wala daw tumatagal ng mahigit isang taon sa isang taon sa bahay na yun dahil nga daw may MULTO.

 

Sa totoo lang may running debate kung totoo nga bang may multo o wala. Syempre yung mga nakaramdam ay naniniwalang meron at yung mga hindi nakaramdam pa ay nagsasabing may ibang paliwanag ang kanilang mga naranasan at di ito dahil may multo. Natatawa ako sa comedy ng sitwasyon, biruin nyo pugad ng isa sa mga kilala at batikang aktibistang grupo sa bansa ay may multong nagpaparamdam.

 

Sa ngayon di mahalaga sa akin kung totoong may multo o hindi. Kung totoo man na meron, matitira ang matibay hehehe. Either lalayas kami at iiwan ang magandang bahay na ito na relatively mura ang renta o kaya’y marerecruit namin ang multong ito. Sa dami ba naman ngnaririnig nyang political situationers at political discussions sa opisinang ito ay imposibleng di naman sya marerecruit. Kung totoo ngang may multo.

 

Napapangiti ako sa prospect na may multong supporter ang AKBAYAN. Isipin nyo na lang ang mangyayari kung magkaharap kami ng hanay ng mga pulis na naghahandang i-disperse ang aming hanay at may biglang maramdaman ang mga pulis na malamig na haplos sa kanilang mga batok. Para siguro silang tinamaan na sarili nilang teargas hehehe.

 

Iniisip ko rin na kung ganun ay pwede naming ipadala sa Malakangyang si Comrade Ghost. Kaya lang duda akong masisindak sina Gloria at Mike Arroyo. Sanay ang mga yun sa mga GHOSTS – Ghost projects atbp. Baka nga bumaliktad si Comrade Ghost at pumayag na maging Ghost employee ni Gloria.

 

O naniniwala ba kayo sa MULTO?

13 Tugon

  1. ngiii bigla akong kinilabutan sa #5.. nagsasalita pa ung multo.. at may humahagulgol.. ayoko ng ganyan..

    pero ang isa sa mga wish ko kahit noong grade5 pa lang ako, ay makakita naman kahit isang beses lang ng multo.. kasi wala tlga kong nakikita or experience na nakakakilabot.

    Happy Halloween!!!

    *****hahaha be careful what you ask for dear. mga kwento lang yan ng mga kasama ko :D*****

  2. Ako naman kahit di na kami magkita ng multo kahit minsan ok lang! Hehe! tarkok talaga sa mumu eh! Ok na sa akin ang magbasa at manood ng horror, ‘wag na special appearance sa akin mismo. ๐Ÿ™‚

    *****yan exactly sinasabi ng taroogs kiko hehehe inaannounce nyang naniniwala sya at di na kailangang iprove pa ng multo.. sa awa ng Diyos ayun kinalabit din hehehe*****

  3. Ako, di ko alam kung maniniwala ako o hindi pero ang alam ko lang tarkok din akong tao, it runs in the family dba kuya kiko? hehehe๐Ÿ˜€

    *****uy welcome misyel. thank you for dropping by ha. hmmm di ka naniniwala sa multo? pero naniniwala ikaw s multo ng isang dating pag-ibig na maaaring magressurect. hehehe nangungulit lang po misyel*****

  4. malalaman mong may multo talaga jocky, pag na teggy ako, kc mumul2hin chak kita๐Ÿ˜€ pag wala kamg kumot , kukumutan kita, pag na2log ka na nka brip, huhubaran kita!!! nyahaha
    peace tayo mga multo๐Ÿ˜€

    ****nakupo miney wag kang magbibitaw ng salitang di mo pinag-isipan baka may magseselos na naman nito hahaha ok lang sa akin kung babaeng multo keri lang hehehe ihahatid ko sya sa langit kung yan ang kanyang nais. pero pag lalaking multo? wag na oi! o ngayon miney gusto mo bang ako ang mag school bus sayo papuntang langit? *****

  5. mali, mali, mali — nakow, wrong timing itong pagbasa ko sa blog mo tungkol sa mumu pala ito. alis pa kami palabas nung panganay ko ngayong gabi. nilagpasan ko muna, ahahahaha

    *****Kengki hehehe matakutin ka pala sige lang di naman to horror eh natawa ako sa biglang atras mo. ang cute mo ingga!*****

  6. Magcocomment na lang muna ako bago ko basahin bukas! Kasi duwag ako sa mumu, mag isa lang ako ngayon pa naman at alas-dos na ng umaga. Baka mamya me biglang sumulpot at sumabay sa pagtatype ko hahaha.

    *****Ambo ayan magsama kayo ni Ate Kengkay mo hehehe*****

  7. Hehehehe. Naku ako e naniniwala sa mumu. Bata pa lang ako nakakita na ako ng isang lalaking nakatayo sa likod ng electric fan, nakabarong all white, at ang worst wala siang ulo. 2 kami ng pinsan ko noon ang nakakita kaya di maikakaila ang nakita namin. Kakatacute!

  8. ako never pa rin akong nakakita ng muto, although may instance before nung attend ako youth camp ng church namin sa Norzagaray, Bulacan- may isang puno dun na everytime na dumadaan me eh nanlalamig ang katawan ko at kinikilabutan ako. is it the same?

    Si Comrade Ghost, pwede siyang bida sa bagong movie na pinamagatang “Patayin sa Sindak si Gloria”

    *****hehehe good idea Ann hmm pero wag mo masyado isipin ha baka mapanaginipan mo pa si Gloria*****

  9. kung meron kayong supporters na multo tapos sumama sila sa rallies, parang Lord of The Rings! hahaha. patay silang lahat!

    *****hehehe iris magandang isipin di ba? magandang therapy din para sa mga medyo may takot sa multo*****

  10. ako naniniwala! (sabay pakiusap sa mga multo) “di na po ako kailangang kumbinsihin pa…”๐Ÿ™‚ hehehe….

    *****mukhang type ka nya panyero hehehe want another kalabit?*****

  11. takot ako… *ala matet*

    *****curious lang ako marekoy… paano ba manginig satakot ang isang DIVA?*****

  12. hello manong s3lv0๐Ÿ™‚ hehehe (at nag “manong talaga!”)

    long time no hear. hehehe.. naks! aktibistang multo! galenng! pati and “other world” di na rin mkatiis hehehe,….

    anyway.. i do believe in ghosts.. and I’ve seen a few of them already. And no, i don’t have any plans of learning more about them waaaaaah…. ayoko!๐Ÿ™‚

    Bata pa lang ako, nakakakita na ako.. hindi nman always akong may nakikita, occasional nman hehehe. Nasubukan ko na rin yung may sinusundan akong babae, tapos pagliko nya sa may hagdanan biglang nawala.. as in “in thin air”.. tsk tsk…๐Ÿ™‚

    (belated) happy Halloween !

    *****naku duday isa ka rin pala sa mga nakakakita. actually ako hindi pa… sabi nga nila may tao talagang may gift sa sa ganun… hay kung gift man clairvoyance ayoko ng gift na yun hehehe. salamat sa dalay ms duday*****

  13. Naku… Wish ko lang hindi ako makaramdam ng ganito kapag nasa out of town ako…

    May mga malalang experience din kapatid ko sa mga multo… kaya nga nagpapasalamat ako’t hindi natupad ‘yung wish ko nung bata ako na mabuksan ng husto ang aking third eye…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: