Senseless

Last night’s bombing of the House of Representatives really made me feel numb and desperate. As I watched the news coverage of ANC, I drifted from a state of shock, anger, desperation and frustration. Actually ang hirap ilarawan ang aking naramdaman. I know the South wing very well, I walked its halls everyday a couple of years back. Dun ako laging dumadaan sa entrance na binomba. Hindi ko halos makilala ang entrance ng south wing sa footages kagabi.

 

Siyempre ang una kong reaction nung mabalitaan ko ang insidente ay ang magtanong kung kumusta ang aming mga kasama na nasa congress – our representative Risa Hontiveros-Baraquel, mga kaibigan kong mga staff nya, ang aming presidente na nandun at kitang-kita sa TV na palakad-lakad sa pinagsabugan (natamaan ang kanyang kotse at lasog na lasog). i was relieved a bit upon learning na wala namang nasaktan sa aming mga kasama dun pero talagang para akong dinagukan knowing maraming mga tinamaan at nasugatan, at may mga namatay. These were innocent people who were on their way home after a long day in congress.

 

Kagaya ng reaction ko sa Glorietta explosion (which up to now di ko pa talaga pinapaniwalaang aksidente), ang napakalaking tanong ko ay BAKIT? Why would someone plant a bomb with the intention to kill and maim, not just a particular target but also those who were unfortunate to be within the range of the bomb?

 

Sabi ng mga pulis a couple of hours after the explosion, it was an assassination and the most likely was Rep. Akbar. Well, it is a possibility, many are aware of his reputation and his life as a warlord in Basilan. His being a target of an assassination is not hard to believe.

 

Yet, the assassination theory leaves more questions than it has answers. For instance, if it is an assassination of a particular target, why would the perpetrator(s) use a bomb which was strong enough to blast the ceiling into smithereens and several cars into pieces of junk? Mukhang eksperto sa bomba ang gumawa nito, alam nya/nila ang kanyang/kanilang ginagawa at alam nya na sa klase ng bomba at sa lugar kung saan nya ito itinanim ay marami ang madadamay at malaki ang collateral damage. Kung si Akbar ang target bakit kinakailangan ng bomba at bakit kinakailangang idamay ang mga inosente?

 

Isa pa, bakit sa Batasan nya/nila ito papasabugin kung si Akbar lang ang target? Di ba nya alam na kung tutugisin talaga sya ng buong kapangyarihan ng estado at di ito titigil hangga’t di nahuhuli? Di ba nya alam na ang pagpapasabog ng bomba sa loob ng Batasan ay ituturing na threat sa national security? Kung si Akbar lang ang target, di ba mas madaling tirahin syang mag-isa para pag inimbestiga ay ay sasabibihin laman ng pulis na malamang ito ay gawain ng kanyang mga kalaban sa pulitika at malamang ang imbestigasyon ay di na itutulak pa?

 

Medyo nakakaintriga din ang statement ni JDV, tinatakot daw ang kongreso, at di daw sila natatakot katunayan ay business as usual daw sila kinabukasan pagkatapos ng isang security sweep sa buong Batasan? Huh? Kung si Akbar lamang ang target, bakit parang naramdaman ni JDV na tinatakot ang buong institusyon ng House of Representatives? Sino kaya ang pinaparinggan nyang di sila natatakot?

 

Speculations may not be very helpful at this time but asking questions about the theories of the police is another thing. They were very quick to theorize that most likely it is an assassination of Akbar and that that there are no political motivation against the institution of the House of

 

Mahaba pa ang tatakbuhin nito, pero ang lakas ng kutob ko na despite all the investigations the police will conduct, the truth will not surface in the end. Maybe they are looking in the wrong places and the wrong angles , maybe they are looking at the wrong suspects… maybe they are not looking at all.

 

Senseless…

10 Tugon

  1. senseless talaga… hayyyy

  2. tsk tsk tsk.. sobrang senseless nga.

    kawawa yung mga inosente talaga..

  3. eh ikaw jocky, cno b suspek mo ??? sabi daw in haus kuking 4 martial law recipešŸ˜€

    *****may chance… who stands to gain ba? sino ba ang kalaban ng kongreso? well di naman ako nag-eexpect that something will come out of this pero one thing is for sure, this kind of violence is not beneath the palace’s ability*****

  4. whoaaa.. parang mirindašŸ˜€ ang Tindi!!! hehe

  5. tsk tsk tsk. parang Phils is not a safe place to live in na talaga…

    nakakatakot tuloy mag lamyerda, xmas season pa naman. Kaya ingat tayo and always pray for God’s protection.

  6. nagkakagatan ang mga asong ulol… naglalabo-labo sa pulitika… ang problema nga lang, nadadamay ang mga walang kinalaman. everyone in Philippine politics fancies themselves to be the new MachiavellišŸ˜¦

  7. anung lugar naman kaya ang sunod na pasasabugin?. kinakabahan talaga ako.

    regarding sa investigation ng mga pulis sa pagsabog sa House of Representatives, parang ang bilis nman yata nila na-solve yung kaso.

  8. […] that night) blew up that evening of November 13. Why did it blow up in the first place? Better ask Panyerong Selvo na […]

  9. at sa isang lugar pa na supposedly matindi ang security. pano na sa ibang lugar?

  10. andito ako sa dubai at nagtataka:

    ‘sa mga sunod sunod na bombings, hindi pa nadedeklara na state of emergency ang pinas?’
    masyadong ba talagang magaling magmanipula ng katotohanan ang kinauukulan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: