Salamat

Matagal akong nawala. Di na ako halos active online pagpasok pa lang ng December. Di ko inaasahang maging super sikip ang December ko. I was looking forward to a very ordinary end to a very ordinary year. I was drawn into the Sumilao campaign nang di ko inaasahan. The end of  my otherwise uneventful year was lit up like the evening sky on new years eve. I was drawn into the campaign from the very time I met them in Ateneo last December 5 until we flew to Cagayan de Oro on board an Air Force C130 plane. My reflections about my journey with the Sumilao farmers will be a subject of a separate post.

Gusto ko lang isarado ang aking taon. Di ko ito nagawa dahil hindi na ako nagkaroon ng panahon bago lumipad papuntang Cagayan de Oro. Matagal kong pinag-isipan paano ko isasara ang taon at medyo nahirapan akong mag-isip. Siguro dahil na rin malapit na isang buwan since last akong nagpost dito. Naisipan kong maganda kung isasara ko ang 2007 by thanking the people I met along the way and who had been very much a part of my year.

First, gusto kong pasalamatan ang aking mga kasama sa trabaho at paniniwala sa Akbayan. We had a very challenging year and we continue to brave the challenges even into 2008. Maraming hirap ang sama-sama naming hinarap at patuloy na hinaharap. Malaking bagay ang pagkakaibigan namin sa aming pagharap ng mga hamong ito. Malaking bagay ang sense of humor na nag-uumapaw sa opisina sa pagpapagaan ng mga bagay-bagay na aming hinarap. Para sa mga kasama ko sa Akbayan HQ maraming maraming salamat sa tawanan, sa pagtutulungan, sa pag-alalay sa isa’t-isa at sa patuloy napagtitiwala at pagtataya.

Pangalawa, naging malungkot sana ang akin mga araw kung hindi ko kasalo si Fay. Marami akong mga naging pagkukulang sa taong ito, pasensya na Bubi. Salamat sa pagmamahal, sa pag-aaruga, sa mga pa-alala, sa pagtawa sa mga korni kong jokes  at sa palaging pagpapa-alala sa akin to always count my blessings. Thank you for being beside me always.

Maraming salamat din sa mga nakilala ko at mga naging kaibigan online. Kay Katherine nakilala ko lang nung January 2007 at naging inaanak ko sa a few months after. Sa pagtitiwala at patuloy na pagiging kaibigan, salamat Bunso.

Para kay Miney na lubos ko lang nakilala nung January 2007 din at naging isa sa mga pinakamaaasahan kong kaibigan maraming salamat. Sana patuloy na maging masaya ang iyong taon – busog ang puso sa pagmamahal, busog ang tiyan sa walang humpay na chibog, busog ang isip sa mga karanasan at mga aral ng araw-araw na buhay.

Sa mga nagbigay ng inspirasyon at tumulong sa akin sa pagbloblog maraming salamat din. Unang-una kay Ate Maru na walang sawa sa pagtulong at pagsuporta sa aking career sa blogosphere, kay Jojitah na di ko inasahang maging katropa ko at kachismismisan, Kay Ate Kengkay na naging inspirasyon kong maging mabait at maalalahanin, kina Nika at Jean na naging kasalo ko sa tawanan at kalokohan, kay Annie na walang sawa sa pakikipagkulitan – Maraming Salamat. Kay Taroogs na lagi kong katabi at kasama sa trabaho sa pagbloblog maraming salamat din, Panyero sana sa taon ito magiging mas marami ang Thursdays hehehe. Syempre maraming salamat sa mga nakilala ko at naging kaibigan sa WordPress Pinoys na patuloy na dumadami.  Hindi ko matawaran ang suportang aking natanggap mula sa mga kasama ko sa WPP.

Sa huli maraming sa mga nakasama ko (at patuloy na kasama ko) Sumilao campaign. Salamat sa inspirasyon, sa tuwa at saya, sa mga luha at uhog na sama-sama nating pinatulo. Maraming salamat sa 59 Sumilao marchers, di ko lubusang maipahayag kung gaano ninyo ako na-inspire at naturuan. At siyempre sa aking kaibigan cute at loving na abugadang si Kaka – salamat sa pagtitiwala at sa walang kamatayang pambobola mo sa akin (i-fefeature kita dito soon).

Daghang Salamat. Maraming Salamat. Muchas Gracias. Thank You. 

13 Tugon

  1. naks.. special mention… maraming salamat din kuya napakarami mong naitulong sakin heheheheh : ) happy happy!

    ***** bakit ba parang gusto kong sabihin ang aking mga controversial magic words sayo hehehe… wag na bagong taon na… muah!*****

  2. ninong naiyak ako dun…huhuhu…sana medyo ginandahan mo ung introduction sa akin…sana nkalagay na maganda at sexy ako…hahaha.
    love u ninong…god bless..mwahhhhh

    *****bunso kong iyakin hehehe gusto ko nga ulit-uliting ika’y maganda at seksi kaso baka lalo ikaw sumikat eh at di na kita mareach*****

  3. salamat po, kelangan talaga may busog ang chan😛

    *****shempre bisyo mo yata yun at napakahalaga yun para sayo hehehe*****

  4. hi selvo, nawa’y sa pagsara mo ng taong nakalipas ay magbukas naman sa iyo ang bagong taon ng may siksik at liglig na pag-asa, tagumpay, at galak.🙂 happy new year!🙂

    *****meeya.. yuhooo happy new year din sayo. mukhang maganda naman ang simula ng taon ko. di ko alam kung makakapagblog pa ako kasing dalas noon pero who knows hehehe*****

  5. hi there kuya selvo! i pray na naging maganda ang pakkikipaglaban ninyo kasama ang sumilao farmers…

  6. amfotah! ATE ka jan! you have no shyyyy!

    langga! sobrang na-miss kita, really! pero andito ka na ulit kaya tuloy na ulit ang saya ng friendship natin. Happy New Year to you!

    Salamat din sa pagmamahal sa akin, gang.😉 Mwaah!

    *****sadya kong nilagyan ng ate para wala talagang malisya between us gang at para maloaman ng iba hehehe. miss din kita at ang iyong mga tinging malalagkit*****

  7. hehe, gayahin ko si mamaru, ate? hmpffff😀 ibig mong sabihin ang layo na ng narating mo, sana yung layong narating na yon e maging dahilan para maging successful yung pinaglaban nyo ng tuloy tuluyan. happy 2008 dear selvi. EB tayo sa pebrero, yuhooo

    *****naku isa pa to. para lang din walang malisya ang ate na yan. salamat sa iyong support lagi mama kengki and yes i am looking forward to your coming home. sana nga magkita tayo at baka mauna ka pang makita ko kesa kay ate maru tsk tsk tsk sana nga sabay ko kayong makita… crossing my fingers lang*****

  8. Happy New Year Bro. Nawala ka rin pala.ako din kababalik ko langdin ngayon online. wala rin ako ng buong december. ang marcha ko ay hindi sa sumilao farmers kungdi sa Eksamen lol.

    Maligayang pagbabalik

  9. Happy New Year po at welkam bak!😉

    *****happy new year din gorgeous misyel at salamat din. muah!*****

  10. Happy New Year ka selvo!! Welcome back sa pagbablog!! Kitakits sa pebrero!!🙂

    *****huwaw uuwi ka rin kikokiks🙂 can’t wait to see you :D*****

  11. parekoy!!!! i miss you!! akala ko nagalit ka sa akin kasi wala akong papasko sayo kaya hindi mo sinasagot ang greetings ko. wahehehe..

    i’m glad your vack!

    *****aba ba’t ako magagalit marekoy hehehe di ako pwedeng magdemand sa isang divah!*****

  12. walang anuman, panyero… langya. sa blog ka pa nag-tenkyu e lagi mo naman akong katabi sa opisina… sa pagtulog… ay hindi pala sa pagtulog! hehehehe🙂

  13. Your welcome sweetie pie! Welcome back and happy New Year 2008! Mwuahs!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: