Flying Home First Class

I was set to fly to Cagayan de Oro last December 20 for the Christmas break. I was booked on the 11:30am Cebu Pacific flight. I woke up around 4am as usual, packed my bags got myself ready early to evade the heavy traffic going to the airport. Alam ko kasing magdagsaan na ang mga tao pauwi at may karanasan na ako dati na muntik na akomg maiwan ng plane dahil tumagal ako sa pila sa labas dahil sa security check.

Habang ako’y nagkakape at naghihintay ng oras, napag-isipan ko kung kaya ko bang iwanan ang kampanya ng Sumilao na basta ganun na lang. Noong umagang yun sila ay naglakad papuntang Paco para kausapin si Cardinal Rosales. Because I had time to kill, I really thought hard about my options. On the one hand, I have to make sure that I will be in Cagayan de Oro for Christmas kasi 1 year na kaming di nagkikita ng anak ko at may usapan na rin kamii ng Mom ko na magkasama kaming magkakapatid sa pasko. Alam ko if I missed my flight, it would be almost impossible to get another flight and I will be pushing my luck too far kung magchance passenger ako. Di ko pa nga alam kung talagang uuwi ang mga Sumilao farmers and how.

On the otherhand naman, medyo uneasy ako sa idea na mang-iiwan ako ng mga kasama sa gitna ng laban. Alam kong they will understand if I fly ahead of them pero napaka-uneasy talaga ng pakiramdam ko. To make the long story short, I decided to forego my flight that day and try my luck with the Sumilao farmers. Humabol ako sa kanila sa Paco. Di ko talaga alam kung pagsisisihan ko ang desisyong yun pero sumugod na lang ako doon. Nagtawanan ang aking mga kasama sa kampanya, di ko daw talaga matiis ang mauna. Sagot ko lang ay: Bahala na si Batman! hehehe

It took 2 more days before it became definite that they will be going home to Bukidnon. Medyo kinabahan ako ng konti kasi ang mga options were to take a Sulpicio Lines boat (which offered a very big discount and later offered to take all of us for free) or take Malakanyang’s offer to fly to Cagayan de Oro on-board as military C130 plane. Pag nagdecide na magbarko, magpapasko kami sa laot as December 25 pa ang arrival sa CDO. Kapag mag C130 dadating kami ng December 23. Medfyo mabigat ang naging pag-uusap sa mode ng pag-uwi kasi there were political considerations. December 22 na ng hapon nafinalize na we will take the C130 plane as a goodwill gesture.

Naka-schedule ang flight namin ng December 23 at 5:30am from Villamor Airbase. Di na ako nakatulog ng gabing yun kasi mahaba ang paalalaman sa mga naging kasama sa kampanya. Hanggang hatinggabi ay patuloy ang dating ng mga tao para magdala ng mga kung anu-anong pabaon sa mga magsasaka. Pati mga madre ay napuyat sa kakahakot ng mga pabaon nila sa kanila. Bandang 1am dumating ang bus ng isang Catholic school na pinahiram ng mga madre. Di kami kakasya doon kasi napakarami namin – exactly 80 people, at napakadami ang mga gamit – mga de-lata, mga sako ng bigas at kung anu-ano pang pabaon. Bandang 2am dumating ang 2 army trucks na magdadala ng mga kargamento at mga tao.

Dumating kami sa Villamor Airbase around 4am. Maraming mga taong nakapila para sumakay ng mga military flights. Dahil yata nagmamadali ang Malakanyang na pauwiin na ang mga Sumilao farmers ay pinaderetso na kami sa pre-departure. Pina-hilera ang lahat ng aming mga kargamento at pinasinghot sa aso (Nag-isip pa silang magdala kami ng bomba hayz… para ano? Pasabugin ang aming mga sarili? hehehe). Mahaba ang proseso ng pagload ng mga kargamento kasama ang multi-cap at jeep na nag-escort sa mga magsasaka sa 1.700-km nilang lakad. Bandang 5am ay pinasakay na kami sa eroplano. Joskopo Para kaming mga sardinas. Sana gitna ang 2 sasakyan at nasa harap at likod ang mga karga. Kami ay nakatayo sa 2 sides. Kanya-kanya na kami ng hanap ng pwesto, ang mga maswerte ay nakatapat sa upuan samantalang karamihan ay walang maupuan kundi ang sahig at ang iba ay nakatayo.

BoardingOn-board

Kahit medyo masama ang panahon napakasmooth ng amiing flight siguro dahil sa laki ng dambuhalang C130. Medyo bago ang eroplano kaya malakas ang aircon, maya-maya pa ay giniginaw na ang mga magsasaka. We arrived in Cagayan de Oro at around 7:30am. Sinalubong kami sa airport ng mga support groups. After 2 months of walking, the Sumilao farmers have stepped on Mindanao soil.

C130Arrival

It was not the most comfortable plane ride home that I have ever experienced, in fact, mas comfortable pa ang karamihan kong bus rides. However, it remains to be the best of my trips, it was an honor to have shared a part of the journey of the Sumilao farmers. I shall continue my journey with them until the day they will come home to the land that they will call their own.

home2home1

The struggle continues…

***Photos from sumilaomarch.multiply.com

9 Tugon

  1. uuyy klas na klas na ha😛
    eh bat di mo nikwento yung nawala mong maleta😛 hehe

    *****di ako nawalan ng maleta😦 backpack ko yun. nauubos ang briefs ko huhuhuhu*****

  2. […] Here’s another interesting post I read today by Nomadic Thoughts […]

  3. […] marklipinski article is brought to you using rss feeds.Here you will find the best trucking resources for truckers.Bandang 2am dumating ang 2 army trucks na magdadala ng mga kargamento at mga tao. Dumating kami sa Villamor Airbase around 4am. Maraming mga taong nakapila para sumakay ng mga military flights. Dahil yata nagmamadali ang Malakanyang na … […]

  4. uy ok ah. wow buti pinagamit sa inyo yun plane kahit bago pa.😛

    *****atat kasi ang malakanyang na pauwiin ang mga magsasaka hahaha*****

  5. huh wala nawala briefs mo?! niyhahaha!

    *****nawala ang backpack ko kaya natural pati brief ko nawala hehehe bat interesado ka sa brief ko ha?

  6. asteeg! buti at hindi ginawang parang tunay na military pati yung landing — hindi kayo pinatalon sa bandang bukidnon na naka-parachute lang! hehehe…. nawalan ka pala ng maleta? kaya pala di mo nadala yung regalo mo sakin🙂

    *****backpack nga eh hehehe napaka 70’s ng maleta.

  7. koyaaa….alam mo naiyak ako sa post na to..*OA, naluha lang pala* pramis..i dunno pero sobrang na touched ako. na-imagine ko yung mga nagdadatingan na mga tao na may dalang goods para sa Sumilao farmers. grabeh. *papahid ng luha*

    you really are a good man with a golden heart. siguro, kung ako din yun…hinde ko rin kayang mang iwan sa ere…kahit na hinihintay ako ng family ko. Mabigat sa heart yun. But look, God knows the desire of your heart and He made a way…para makasama mo ang mga SF and your family.

    stay favored koyaaaaaa…mwaaaah!

    pangarap kong makasakay sa jumbo jet na yan. hehehe

    *****naku malen lagi kaw emote ha hehehe di na uso ang magandang iyakin🙂 i am not that good din po. nuknukan ako ng pagkasalbahe kahit tanong mo pa si taroogs second ako sa pagkasalbahe after him****

  8. I agree with Malen, ibang klaseng tao… Yung mga tulad mo binibiyayaan ni God ng lubos.🙂

    *****napasilip tuloy ako sa pundilyo ko at sa kasamaang palad di ako gifted huhuhuhu… kidding aside thanks Missy*****

  9. kuya selvs!

    na miss ko mag read ng blog mo… nwala kasi ako for awhile… this post made me weepy… im so proud of you, kahit di pa tayo nag mimeet in “real” life… hindi mahirap na humanga sa isang taong katulad mo.

    Di man ako mkasama sa march ninyo… kaisa nyo ako sa panalangin.

    Ingat po !

    *****you did’nt miss much didee nawala din ako for a while. salamat sa mga panalangin*****

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: