Life’s Passion

Honestly, I find it very difficult to get back to my blogging. Maybe it is because I had written so much since last month and my mind ran dry. Parang pigang-piga na ang utak kong may kaliitan. Maybe its because hirap na rin akong humabol sa mga backlogs sa work kasabay ng pagsusulat ng mga press releases para sa pagpapatuloy na kampanya ng Sumilao. Pag Decemberf and January kasi, nag ooverheat ang aking ulo sa kakasulat ng mga annual reports sa mga projects at pagsusulat ng mga project proposals para sa mga panibagong proyekto. MAYBE, it is because my mind is full of ideas about something I am really PASSIONATE about at present.

Medoy matagal na rin akong hindi nagkarron ng isang bagay na binuhusan ko ng aking passion. Hindi rin lang isa ang nagsabi sa akin na parang di na ako passionate sa mga ginagawa ko at napapansin nila yun. Yes, maaring maging very strong ako sa mga positions ko about different issues at maaring naging masipag ako sa pagtrabaho para sa mga bagay-bagay, pero totoong matagal nang wala akong ginawa na I am really passionate about.

That was true until I got myself involved in the Sumilao campaign – Walk for Land, Walk for Justice. Hindi na ito first time nakasama ko sila. Naging involved din ako sa kanila nung unang nakilala sila noong 1997 nang nag-hunger strike sila para rin sa lupang ito. Noon din ay nagising nila ang natutulog na passionate kong puso.

Noong January 4-5, nagsama-sama kaming mga nasa core group ng mga sumuporta sa Sumilao farmers at nagsharing ng aming mga karanasan at nagplano ng mga susunod na hakbang. Noon ko naranasang tumigil at mag-isip, magreflect sa mga nangyari nitong nakaraang Disyembre at namnamin ang mga damdaming dala ng mga pangyayari. Noon kasing kasagsagan ng kampanya ang hirap huminto para mag emote kasi bawat pangyayari kailangang makaisip ng mabilisan kung ano ang dapat gawin.

I told my companions in this struggle that for me, the experience felt like coming home. I felt that I have been away for a long time and my experiences in shring with the struggle of the Sumilao farmers gave me a feeling of being “home.” I mean home in many ways. I feel at home because I once again worked with the campaign team that I worked with a decade ago – sina Atty. Kaka na idol kong abugada at personal close friend, si JunG na kamukha kong rapist pero sobrang galing sa pag-oorganisa at pagkampanya at ang mga kaibigan kong mga magsasaka ng Sumilao. Nandun pa din ang mga matatanda at tumanda na rin ang mga dating mga bata (narealize kong pati ako tumanda na rin).

At home din ako in the sense na andito na naman ako kumikilos sa issue na naging daan para ako mamulat. Namulat kasi ako nung estudyante pa ako sa problema pang-aagaw ng lupa ng mga mayayamang korporasyon sa mga magsasaka ng Bukidnon. That was the very reason why I chose to work and live the life that I have right now. Walking with and working for the Sumilao farmers revived the sleeping passion inside me.

Wala akong sariling camera kaya di ko nacapture ang mga moments ko with them Eto ang iilang mga larawan ng kampanyang ito na nagpapa-alala sa akin sa mga damdamin na nagpuno sa aking puso sa mga panahong kasama ko sila nung Disyembre.

dec 18
December 18. Yakapan blues sa College of the Holy Spirit sa labas ng Malakanyang bandang alas 3 ng madaling araw. Kakabalik lang ng mga pumunta sa 2nd dialog with GMA at binalitang irerevoke na ang conversion order. Panalo! pero alam na alam kong mahaba pa ang laban na ‘to at ito ay unang hakbang pa lamang. Pero ang panalo ay panalo pa rin at kailangang magcelebrate kasama ang mga naghirap para sa panalong ito. (Please wag na pansinin ang laki ng tiyan ko okey? Di na yan mahalaga, okey?)

km 0

December 21. Tanghali noong umabot kami sa Kilometer 0 sa Luneta. Bawat kilometrong nilakad ng mga magsasaka ay nalalaman nila dahil sa mga markers ng kilometrahe. Dalawang buwan din nilang tinitignan ang mga markers na yan hanggang umabot sila sa pinaka-unang marker – ang Kilometer 0. Lahat ng mga sukat ng kilometrahe sa buong Pilipinas sa marker na ito nagmumula. Naghabulan silang maunang humawak sa marker na yan. The same day we declared the 1,700-km walk over.

slipperol

December 21. Ako at ang SLIPPAROL. Ang parol na ito ay gawa ng mga napudpod na tsinelas ng mga magsasaka sa kanulang mahabang lakad. Bawat isa sa kanila ay nakapudpod ng 4 na tsinelas. Ang lettering sa parol ay di ink o pintura, ito ay dinikit na mga buhok ng mga magsasaka nung sila ay nagpakalbo sa harap ng main office ng San Miguel Corp. sa Ortigas. Kasama kong humahawak ng parol si Gary ang pinakabatang Sumilao Marcher. Binigay nila ang parol sa Simbahang Lingkod ng Bayan, ang pinaka-unang institusyon ng simbahan na sumuporta sa kanila at naging daan para masuportahan sila ni Cardinal Rosales.

 

 

5 Tugon

  1. living w/o passion is lyk living ina B&W world.. congratz in having ur colors back :-*

    P.S. ikaw pumansin sa chan mo, napansin ko na tuloy😛, at ska bat ikaw nka sneakers at di nka chinepin :p

  2. kuya josel. cheenee ito.🙂 iba talaga pag ang PASSION ay ni-LILIVE OUT. Hindi pwedeng sa utak o sa puso lang nakakulong. Dapat ISINASABUHAY. ISINASAGAWA.😀

  3. alamo kuya selvo, sometimes i envy people like you. never mind that your mind runs dry, all because you’ve devoted yourself to your passion. i miss days like that.🙂

  4. Only when we feel extreme emotions towards something or someone (passion) do we truly live.

    Happy New Year manong selv0! The year that was eh talagang well-lived for you.🙂

  5. ok lang yan. nandito lang naman kami. ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: