Dahil Ikaw Gloria ay:
Mandaraya, Magnanakaw, Mandarambong, Kurakot,
Mamamatay-tao,Taksil sa Bayan, Abusado sa Kapangyarihan
at Walang puso para sa Bayan at Taumbayan
JOIN THE BLOGSWARM TO FORCE GLORIA
OUT OF MALAKANYANG
L A Y A S ! ! !
Mga bloggers na nasa Swarm:
Ang tunay na Madam: Reyna Elena
at iba pa…
mga kapatid na bloggers, ano pa hinihintay nyo?
P U T A K T I H I N N A !!!
P.S.: Maki-SWARM na rin bukas ng hapon (Feb. 29, Friday) sa
Makati. JOIN NA!!!
=================================================================
Paliwanag ng Malakanyang… MAKINIG!
Sa isang news article ng Inquirer.net ay sinubukan ng Malakanyang na LIWANAGIN ang kaguluhan ng mga statements nila tungkol sa pag-amin ni GMA sa isang interview ni Joe Taruc ng DZMM na alam nya na may anomalya sa ZTE deal bago ito pirmahan sa China. Binawi kasi ito ng Malakanyang kinabukasan sa pamamagitan ng pagsabing di naman inaamin ni GMA na alam nya ang anomalya. Basahin ang Palace admits Arroyo said ‘anomalya’ in radio interview para sa kabuuang ulat.
Batay sa ulat, sabi ni Sec. Mendoza ng DOTC ay ganire:
It is clear here … so pinag-uusapan lang yung anomalya. Di sinasabi na may anomalya (There is talk about an anomaly. She isn’t saying that there is an anomaly).
O di ba maliwanag ang paliwanag? Naintindihan nyo na? Para sa mga slow at di marunong umintindi ng Filipino at English nagdagdag ng paliwanag si Executive Secretary Eduardo Ermita. Aniya ay ganire:
“Parang merong insinuation pero di naman sinasabing meron (It’s as if there’s an insinuation, but she isn’t saying there is).”
So MALINAW na ba? Lord, nakakabobo. Hayz. Di vah?
Basta ako malinaw sa akin. Malinaw na bakit dapat ituloy tong BLOGSWARM: GMA Resign!
Filed under: Politics | Tagged: Benjamin Abalos, blogswarm, gma resign, jun lozada, nbn scam, zte scandal | 17 Comments »