BLOGSWARM: GMA Resign! (join na!)

Dahil Ikaw Gloria ay:

Mandaraya, Magnanakaw, Mandarambong, Kurakot,

Mamamatay-tao,Taksil sa Bayan, Abusado sa Kapangyarihan

at Walang puso para sa Bayan at Taumbayan

RESIGN

JOIN THE BLOGSWARM TO FORCE GLORIA

OUT OF MALAKANYANG

SWARMGLORIA

L A Y A S ! ! !

Mga bloggers na nasa Swarm:

Ang tunay na Madam: Reyna Elena

Foobarph

Taroogs

Maria Clara

Manilenya

GMA Resign

Pedestrian

Etcetera

Uniffors

Ellen

at iba pa…

 

mga kapatid na bloggers, ano pa hinihintay nyo?

P U T A K T I H I N N A !!!

edsa1_2

P.S.: Maki-SWARM na rin bukas ng hapon (Feb. 29, Friday) sa

Makati. JOIN NA!!!

=================================================================

Paliwanag ng Malakanyang… MAKINIG!

Sa isang news article ng Inquirer.net ay sinubukan ng Malakanyang na LIWANAGIN ang kaguluhan ng mga statements nila tungkol sa pag-amin ni GMA sa isang interview ni Joe Taruc ng DZMM na alam nya na may anomalya sa ZTE deal bago ito pirmahan sa China. Binawi kasi ito ng Malakanyang kinabukasan sa pamamagitan ng pagsabing di naman inaamin ni GMA na alam nya ang anomalya. Basahin ang Palace admits Arroyo said ‘anomalya’ in radio interview para sa kabuuang ulat.

Batay sa ulat, sabi ni Sec. Mendoza ng DOTC ay ganire:

It is clear here … so pinag-uusapan lang yung anomalya. Di sinasabi na may anomalya (There is talk about an anomaly. She isn’t saying that there is an anomaly).

O di ba maliwanag ang paliwanag? Naintindihan nyo na? Para sa mga slow at di marunong umintindi ng Filipino at English nagdagdag ng paliwanag si Executive Secretary Eduardo Ermita. Aniya ay ganire:

“Parang merong insinuation pero di naman sinasabing meron (It’s as if there’s an insinuation, but she isn’t saying there is).”

So MALINAW na ba? Lord, nakakabobo. Hayz. Di vah?

Basta ako malinaw sa akin. Malinaw na bakit dapat ituloy tong BLOGSWARM: GMA Resign!

17 Tugon

  1. Tagalog Online Pocketbook (http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com) also support this cause! ^_^

  2. BRO!

    pakilagay sa blogswarm! puro ako politics hanggat sa rally day in makati! hehehe!! thank you!!

    *****Ayan na… ok ba sa intro? nyahahaha*****

  3. ANG TUNAY NA MADAM?! HAHAHA!! I LOVE PEOPLE WHO TELL THE TRUTH!!!! HAHAHA! MADAM NA MADAM AKO!!! hehehe

    *****May objections ka ba madam? kelangan ko ba palitan ang press release ko? nyahahaha*****

  4. maraming salamat sa pagbanggit ng blag ko selvo🙂

    *****Madaming salamat sa pagdaan Mani :)*****

  5. Hi selvo, welcome to the Blogswarm. I added you to my link, mabuhay ka!🙂

    *****Salamat po… add din kita :D*****

  6. ayy ako yung ‘at iba pa’ wahahahah~

  7. paano ba sumali diyan? sali din ako.🙂

    psst, may tag ako sa iyo. pampababa ng high blood konti. na-miss kita ha!

  8. BROOOOO!! galing mo talga gumawa ng blog idol na kita..

  9. There’s an old saying ” ang magnanakaw daw ay galit sa kapwa magnanakaw” and that means to say all t players in this failed ZTE Broadband deal have had a share of their own greed!

  10. nice one! your BLOG is good… try to see my BLOG… pareho tayo ng passion…

    http://www.anastaciojcruz.wordpress.com

    Maraming Salamat sa iyong pagtataguyod ng Sining at Kulturang Pilipino….

    Mabuhay ang demokrasya….

    yan din ang aking ipinaglalaban…

    Mabuhay ka!

  11. gusto kong mag-join sa blogswarm na yan. pano ba? hehe😆

  12. http://mixglorioso.wordpress.com supports this cause!

    Lumuwas ako ng maynila at pitong taon nanirahan sa san miguel malacanang, tumira ako at aalis doon ay siya pa rin ang presidente. Sana ay mabagbag ang damdamin ng babaeng ito… bumaba na siya sa puwesto…

  13. GMA Resign Noli will take over . After that Noli will grant presidential pardon to GMA and her cohorts of course! di ba mas lalong nakakatawa yun? Then we will again chant once more for Noli’s resignation. That scenario is a worst nightmare and we will all be laughing stock in this part of the universe!

  14. Magluluto ako ng sandamakmak na tsufegeti pag bumaba si Gloria

  15. http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/news/view/20080723-150184/Group-to-rally-middle-class-vs-fuel-hike

    bakit walang ganito sa makati??? kelan gigising ang middle class? Tayo ang relihiyoso sa pagbabayad ng buwis, tayo ang kumakayod 8-12 oras sa isang araw para kumita ng pera, na kukurakutin lang ng mga bwisit na opisyal sa gobyerno. Tayo ang dapat umasenso, pero yang mga opisyall na yan ang naliligo at nabubuhay sa pera ng mamamayang pilipino. Nakakasuka na! Para sa isang propesyonal, yung kinikita ng gobyerno sa income tax pa lang ay malaking tulong na sa maipupundar para sa pamilya. Pero dahil mabuti tayong mamamayan, sige na lang, ibigay sa gobyerno ang dapat ibigay sa gobyerno. Samantalang lahat ng buwis na ito, kung kani-kaninong bulsa lang napupunta. Iniisip ko yang mga opisyal na nakaluxury cars at lahat ng mga katulong at driver nila eh nasa payroll ng gobyerno, wow, pare, bakit nyo nagagawa yan? In this country, unfortunately, it has become our duty to pay the government for every single thing under the sun. Naging serbisyo ang lahat, at serbisyong may kabayaran. Lahat ng kainin natin, lahat ng igalaw natin sa bansa natin, may tax!!! At wala na tayong magawa, sa kawalan nating lahat ng pag-asa, kaya sige na lang, patuloy na lang tayong nagtitiis at nagpapasensya.

    So ang tanong ko lang, kelan ba tayo sisigaw, sama-sama, na “HOY! PRUMENO NAMAN KAYO! YOU GUYS OWE YOUR EXISTENCE TO US! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA BALAT NINYO!”

    I think we’re all smart enough to realize that our government is perhaps the most corrupt in Asia. Hindi na kailangan ng ebidensya non. Hindi na kailangan ng komite na mag-iimbistiga nito. The whole government system is plagued with corruption. Pumunta ka lang sa isang City Hall, kita mo na yun. Lahat ng daanan mo may komisyon. Para umarangkada ang kahit na anong ilalakad mo, kailangan mong magbigay.

    Wala ako plano magblog kase nakakapagod, kaya reply na lang dito. Pasensya na medyo napahaba. Medyo nangibabaw yung gigil at bwisit ko sa gobyerno kaya ayan, RANT RANT RANT. Mahal ko ang Pilipinas. And I could say mahal ko ang Pilipino. Kaya andito pa din ako. Yung gobyerno natin, mahal nila PERA. Kaya din andyan pa sila. Yun lang. Bow.

    Masabi ko lang, minsan iniisip ko, sana tax evader na lang ako. Ninanakaw lang naman din lahat ng pinaghirapan ko.

    Tama na. Mabuhay kayo lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: