31 Days

I woke up at around 4:30 am today to do some writing on the Calatagan case. I have picked up the habit of working early dawn when I had to do double work in the midst of the  Sumilao campaign.  I scanned the news and wrote a press release release for today. I have already emailed the PR to my mailing list when I noticed the date today – May 5, and I suddenly realized that in 31 days birthday ko na ulit. I just sat staring at my rainlendar staring at the date for a couple of minutes. Joskopo taon-taon na lang ako nagbibirthday hehehe.

I don’t usually celebrate my birthdays, they are just like any other ordinary day (except for a few occasions when friends insist on  having a get-together). I guess my birthday next month won’t be any different, gaya ng dati, ordinaryong araw lang ito para sa akin. Pero di ko maikakaila na na may something talaga pag nagkwakwarenta ka na hehehe. Mas napapaisip ka. What have I to show after 40 years?

Di naman siguro natutuwa sa akin mga magulang ko. Lahat ata ng ambisyon nila para sa akin ay sinuway ko. I didn’t even graduate from college, which I guess broke my father’s heart kasi kahit in the middle of his struggle against cancer a couple of years back, lagi nya akong kinukumbinsing ipagpatuloy ang college ko. Gusto nya talaga akong maging abugado. Lord, Dad, kung ganito na nga ako na out-of-youth (walang kokontra!) ano na lang kung may Atty. pa sa simula ng pangalan ko hehehe.

Di rin ako magaling na tatay na ikakatuwa ng anak ko. Madami akong pagkukulang bilang ama sa anak ko. Pilit ko man gawin ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko sa kanya, I know that our circumstances make it not only difficult for the both of us but also confusing for him. I wish he would grow up to be a forgiving son.

My life has always been a cycle of impossible dreams and impossible causes. I do not know what exactly made me choose this kind of life but I cannot imagine myself living any other life. Adik ata ako sa sa mga imposibleng mga kaso. Maybe I am addicted to insurmountable odds and heartaches.

i am happy with my life. I may not have the material things nor the academic degrees to show, but I am rich in terms of battle scars and impossible victories (however few they might be).

Thirty-one days to go. Forty-years in the making.  Hay buhay, ba’t ba ako napapa-isip😀

4 Tugon

  1. aba, panyero! bagong milestone ito sa buhay mo… pa-borjer ka naman!🙂

  2. dramatis personae naman. pag yumaman ako in 30 days, ililibre kita sa june 5.

    sang dekada pala ang tanda mo sa aking, tsong. nag 30th bertday ako nung nasa asilo ang jumilao at nagmumuni muni tayo kung pinagdududahan ba tayo ni bishop pabillo. masaya ako nun. actually, masaya naman ako sa 30th milestone ko. gaya mo, di rin ako naging abogado. walang aircon ang sasakyan ko at wala akong maipagmamalaking savings. pero ayos lang: nakatulong ako para wag magtaas ang tuition fee noon sa baguio, nakasama ako sa EDSA dos, nakasali sa makasaysayang lakaw sulimaw, at nakaimpluwensya para mabigyan ng, at mapanatili sa lupa ang marami raming magsasaka.

    di na rin masama.
    ayos, tuloy lang sa melodrama…

  3. di pdeng alang pa burjer yan ha!

    ganyan pala tumatanda, ma emote! lols😆

    ayaw ko na maalala yang bday mo😛

    *****hmmm bakit naman?😀 dahil nagkanda ligaw ligaw ka? :D*****

  4. mabuti pala at nabasa ko ang entry na ito. alam ko na babatiin kita dapat soon.

    overrated naman ang degrees sa palagay ko. ang importante, ay what kind of person you have made of yourself and what you stand for.

    in that respect, palagay ko, sa timbangan ng buhay, di ka kakapusin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: